^

Punto Mo

Aso, dinaganan ng 20 oras ang amo upang mailigtas sa matinding lamig

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG golden retriever sa Michigan, USA ang nagligtas sa buhay ng kanyang amo matapos niya itong daganan ng 20 oras upang hindi mamatay sa lamig.

Hindi na kinilala ang 60-anyos na lalaki na kinailangang sagipin ng kanyang alagang aso na si Kelsey matapos siyang madulas sa labas ng kanyang bahay noong Enero 1.

Dahil sa pagkakadulas ay nabalian siya ng leeg na naging sanhi ng kanyang pagkaparalisa.

Sinubukan niyang humingi ng tulong sa pamamagitan ng pagsigaw ngunit walang nakarinig sa kanya dahil halos kalaha­ting kilometro ang layo ng pinakamalapit niyang kapitbahay.

Ang tanging nakarinig sa kanyang paghingi ng saklolo ay ang alaga niyang si Kelsey na hindi tumigil sa pagkahol noong siya ay nawalan na ng boses dahil sa kasisigaw.

Hindi iniwan ni Kelsey ang kanyang amo, na kanyang dinaganan upang hindi ito manigas sa negative 4 degrees Celsius na lamig. Sinigurado rin ng aso na hindi mawawalan ng malay ang kanyang amo sa pamamagitan ng maya’t mayang pagdila sa mukha nito.

Matapos ang 20 oras ay may kapitbahay na nakarinig ng pag-alulong ni Kelsey kaya sa wakas ay naitakbo na rin ang kanyang amo sa ospital.

Naparalisa ang katawan ng lalaki ngunit ngayon ay unti-unti na niyang naigagalaw ang kanyang mga braso at mga binti matapos siyang operahan.

Naniniwala siyang utang niya ang kanyang buhay kay Kelsey lalo na nang malaman niyang hindi siya nagka-frostbite sa kabila ng napakatagal niyang pagkakalantad sa matinding lamig.

vuukle comment

ASO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with