^

Metro

Dalagita na biktima ng indiscriminate firing sa Malabon, pumanaw na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sumakabilang buhay na kahapon ang 15-anyos na dalagita na tinamaan ng ligaw na bala noong kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon sa Malabon.

Hindi na rin naisalba pa ang buhay ni Emilyn Calano Villanueva na ilang araw ding sumailalim sa deep comatose sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo.

Kasama ni Emilyn ang kanyang mga kaanak at nanonood ng fireworks sa may Sacrista St., Brgy, San Agustin sa Malabon City nang bigla itong mabuwal hanggang sa makitang may dugo nang tumatagas sa ulo nito.

Kinontra rin ng pamilya ni Emilyn ang pahayag ng pulisya na hindi biktima ng indiscriminate firing si Emilyn at ito ay nadamay lamang sa naganap na kaguluhan.

Ayon sa pamilya ni Emilyn walang naganap na kaguluhan sa kanilang lugar habang masaya pa ngang nanonood ang biktima sa fireworks at mga pailaw sa lugar.

Umaasa rin sila na mahuhuli para mapanagot sa kung sinuman na may kinalaman sa nangyari kay Emilyn.

vuukle comment

BAGONG TAON SA MALABON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with