^

PM Sports

2 dragonboat events at conoeing sa Palawan

EUROPE BEAT - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagdaraos sa Puerto Princesa  ng dalawang malaking international dragon boat tournaments sa susunod na buwan, idaraos din ang Asian Canoe Confederation Congress sa Palawan.

Kinumpirma ito ng organizing Philippine Canoe-Kayak Dragonboat Fe-deration president na si Jonne Go sa pagsasabing  darating din sa bansa ang mga  matataas na opisyales ng  ACC para sa magaganap na Congress kasabay ng Asian Dragon Boat Championship sa Nobyembre 11-12.

Ang  tatlong malaking event na gaganapin sa Palawan na kinabibilangan ng Puerto Princesa International Club Crew Championship na idaraos sa Nobyembre 12 -13 , ay suportado ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa ayon na rin kay national coach Len Escollante.

Inaasahang aabot sa 1,000 mga paddlers ang lalahok sa dalawang torneo na idaraos sa Pilipinas sa unang pagkakataon.

Ang mga bansang kalahok sa Asian Dragon Boat Championship  ang Chinese Taipei, Hong Kong, Japan, Iran, India, Indonesia, Thailand, Brunei at Singapore habang nagkumpirma ng kanilang partisipasyon sa International Club competition ang Germany at United States.

Samantala ang national team ng bansa na lalaban sa torneo ay magbubuhat sa matagumpay na stint sa  International Canoe Federation Dragon Boat World Championships sa Russia kung saan nagwagi sila ng tatlong gold medals, isang silver at dalawang bronze medals. FML

vuukle comment

PUERTO PRINCESA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with