^

Pang Movies

Miss Earth 2015 Angelia Ong target maging TV Host

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Miss Earth 2015 Angelia Ong target maging TV Host
Angelia Ong

Feeling happy daw si Angelia Ong kung kanino man niya ipapasa ang korona bilang Miss Earth in this year’s 2016 Miss Earth pageant na gaganapin sa MOA (Mall of Asia) tonight.

“I am sure, like me, mao-overwhelmed ang winner, since the honor of winning is not just hers but for her country as well.

“Ganyan ang naramdaman ko, habang kinukoronahan ako last year,” saad ni Angelia nang mag-guest siya sa Tonight with Boy Abunda (TWA) ni Boy Abunda noong Wednesday.

Ginanap sa Vienna, Austria ang Miss Earth noong nakaang taon.

Asked ni Boy kung anong advice ang maibibigay niya sa mga kabataang tulad niya ay nangangarap maging isang beauty queen, ang sagot ni Angelia: “Well, they should dream. And, of course, follow that dream.”

Tinanong ni Boy kung ano ang susunod niyang gagawin pagkatapos ng kanyang reign bilang Miss Earth.

“Well, I’d probably pursue another dream of mine. And that is to be a TV host,” ang kanyang nakangiting sagot.

Nag-react naman agad si Boy at sinabing: “Why not? That dream, like your dream of winning a beauty crown, might come true soon, too.”

Pretty, tall, articulate and ebullient, Angelia, no doubt, has the making of a good TV host.

Good luck, Angelia. And congratulations, too, since katatanggap mo lang ng iyong diploma as a Business Management graduate from the De la Salle University, College of St. Benilde.

Jet Pangan iniwan na ang banda

Naku, Salve A., siniseryoso yata ng vocalist ng bandang The Dawn na si Jet Pangan ang pag-aartista.

Well, huli namin siyang nakitang nag-extra sa Janella Salvador-Elmo Magalona series na Born For You na tinampukan din ng popular singers na sina Ariel Rivera at Ayen Nunji-Laurel at produced ng ABS-CBN.

Right now, he is cast with Ariel sa bagong series ng GMA-7, ang Hahamakin Ang Lahat.

Mas malaki ‘di hamak ang role ni Jet dito sa Hahamakin…, considering na gaganap siya bilang asawa ni Marina Benipayo. Marina naman, as Cynthia, ay gumaganap na nakatatandang kapatid ni Eula Valdez. Since kontrabida si Marina sa series, madalas magbanggaan sina Marina at Eula. At si Jet ang palaging pumapagitna sa kanila.

Directed by Don Michael Perez, the series introduces Bruno Gabriel, ang panganay sa tatlong anak ng dating aktres na si Lani Lobangco

Lea may payo kay Rachelle bago sumabak sa broadway

Coming home for Christmas pala si Rachelle Ann Go, Salve A. By then, she would have finished her stint in Les Misérables in London.

Pagkatapos ng Holiday ay aalis na naman siya papuntang New York, dahil kailangan naman ni Rachelle na mag-rehearse for her performance naman as Kim sa Broadway play na Miss Saigon na magsisimula ng March sa susunod na taon. Matatandaang si Lea Salonga ang orihinal na gumanap bilang Kim sa unang Miss Saigon nang magsimula ito noong 1989 sa West End, London.

Tinanong nga pala si Lea kung ano ang advice niya kay Rachelle Ann when finally she hit Broadway as Miss Saigon, ang sagot ni Lea; “I’d suggest that she just be her own awesome self.”

Happy Birthday…

Birthday ngayon (October 28) nina Manny Valera, talent manager, among others ni Janella Salvador, at adviser nina Mother Lily at Roselle Monteverde, at ng anak ni Chit Ramos na si Fatima Dumalagan.

Bukas, October 29, natal day naman ni Boy Abunda. And last October 27 naman, magkasabay na nagdiwang ng kanilang kaarawan sina ABS-CBN former President and CEO and now Chief Content Officer of the Network, Charo Santos-Concio, and former child actor, Niño Muhlach.

Well, happy birthday to all of them and God Bless!

vuukle comment

ANGELIA ONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with