^

PSN Opinyon

13th month pay ibibigay na

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SANG-AYON ako sa panukala ni Quezon City Congressman Winston Castelo na ibigay na sa unang linggo ng Nobyembre ang 13th month pay o bonus ng mga pribadong kompanya sa kanilang mga emple­yado. Tama ang sabi niyang mas mabuti kung maibigay ito ng mas maaga para maplano ng ating mga kababayan ang kanilang mga bibilihin. Alam naman natin na habang papalapit ang Pasko ay tumataas ang presyo ng mga bilihin at kung minsan ay nagkakaubusan pa ng stocks.

Sa ganitong paraan ang ating mga kababayan ay may pagkakataong piliin ang mga gustong bilhin para sa kanilang pamilya. Lalo pa ngayon na sabay-sabay ang mga sale sa mall. Marami silang mabibiling pang­regalo.  Maiiwasan din ang rambulan sa pamilihan.

Ang problema sa ating mga Pilipino laging last mi­nute kung gumalaw. Kahit sa pagbabayad ng buwis at ibang bayarin, kung kailan malapit na ang deadline saka nagkukumahog magsipagbayad. Ganun din sa pamimili kung kailan maraming tao saka nakikipagsa­bayan at ang resulta matinding trapik.

Ngayong taon, kumilos tayo nang mas maaga para maiwasan ang matinding siksikan na lalong tumitindi habang papalapit ang Pasko. Kapag pinakinggan ng employers ang pakiusap ni Castelo, mababawasan ang pagsisikip ng trapiko at siksikan ng mga tao sa mall lalo na sa Metro Manila. Para sa akin, maganda ang panu­­kalang maibigay ng mas maaga ang bonus ng mga manggagawa.

Sa kabila nito, ito ay isa nang batas. Mabuting ma­ibigay na ito nang maaga sa kanilang mga empleyado para maiwasan ang “carmageddon” sa pagpasok ng Disyembre.

Ang mga negosyante rito sa atin at sa iba’t ibang bansa na rito nakabase ay puwede natin silang tawaging Santa Claus in November.  Hindi ba ayos?

vuukle comment

TONY KATIGBAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with