^

Probinsiya

Lola grinipuhan ng adik

Carlo S. Lorenciana - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Patay ang 61-anyos na lola na tumangging magpautang matapos itong saksakin ng sinasabing adik sa droga sa bahay ng matanda sa Barangay New Era Sampaloc sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Redinsom Sazon, biyuda at nakatira sa Barangay New Era sa nasabing lungsod. Pormal namang kinasuhan ang suspek na si Eduardo Rabang, 37, ng Camella West sa Barangay Molino, Bacoor City, Cavite. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nangutang ang suspek sa matanda subalit tumanggi ito kaya nauwi sa mainitang pagtatalo. Nang tumalikod ang biktima ay inundayan ito ng saksak ng suspek saka tumakas kasama ang kanyang ka-live-in. Naaresto naman ang suspek matapos makorner ng mga security guard sa nasabing lugar saka dinala sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with