^

Police Metro

Sekyu na-shot gun ang sarili, todas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Isang security guard ang nasawi nang aksidente nitong mabaril ng shotgun ang sarili kamakalawa sa Valenzuela City.

Ang nasawi ay kinilalang si Armando Mendoza Olermo, 35, binata, security guard ng Culdev Security and Investigation Services, at naninirahan sa Virgo Street, Grem Ville I, Brgy. Bagbaguin, Caloocan City.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi noong Linggo ay nag-ulat sa kanilang duty sina Olermo at kapwa sekyu na si Oliver Laya sa binabantayan nilang Vantaztic Inc., sa may Mindanao Avenue Extension cor. Hobart Village, Brgy. Ugong.

Pagsapit ng alas-alas-4:30 kamakalawa ng mada­ling araw, nakaupo sa outpost si Laya nang marinig ang isang putok ng baril.

Nang kanyang puntahan ang puwesto ni Olermo, dito niya nakita na naliligo ito sa sariling dugo.

Agad na iniulat ni Laya at ng isa pang saksing si Susan Mingoa ang pangyayari sa Police Community Precinct 8 na rumesponde sa lugar. 

Lumalabas sa pagsusuri ng mga tauhan ng PNP Crime Laboratory Office na ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa dibdib  tumagos ang anim na pellet sa kanyang likod

vuukle comment

SECURITY GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with