^

Police Metro

Senado tutol sa criminal liability ng 9-anyos

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nagpahayag agad ng pagtutol ang ilang senador sa panukalang batas na ibaba sa 9 na taong gulang na sampahan ng kasong kriminal na kasalukuyan ay nasa 15 taong gulang.

Sinabi ni Senator Grace Poe, tutol siya sa panukala lalo pa’t sa ngayon ay isinusulong na ang pagbabalik ng death penalty.

Kinuwestiyon din ni Poe kung anong klaseng lipunan magkakaroon ang bansa kung walang awang paparusahan maging ang mga musmos na hindi pa buo ang pagkaintindi sa mga pinapasukang sitwasyon at napapagsamantalahan lamang ng mga matatandang kriminal.

Hindi rin naniniwala si Poe na mas mature na ang mga bata ngayon dahil lamang sa laganap ang impormasyon sa social media.

Mas dapat aniyang patawan ng parusa ang mga magulang kung mapapatunayang nagpabaya sila sa kanilang responsibilidad.   

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with