^

Krema

Krema (163)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

GUMAPANG ang init sa kanilang katawan nang maglapat ang kanilang labi. Unang pagkakataon na nahalikan si Krema. Una rin naman para kay Lex na humalik. Pareho silang baguhan sa labanang iyon. Pero madali namang matutunan ang bagay na iyon. Likas na natututunan ng mga nagmamahalan ang bagay na iyon.

Gumapang ang kamay ni Lex sa katawan ni Krema. Marahan lamang at punumpuno ng pagmamahal. Nagpaubaya naman si Krema. Mahal na mahal niya si Lex at handa siyang ipagkaloob ang lahat sa lalaking ito. Isusuko na niya kay Lex ang sarili niya.

Pero nang nakakalimot na, sila na rin ang kusang naka-realize na huwag munang gawin ang bagay na iyon. Kailangang may basbas ng kasal bago maganap ang lahat. Kailangang magkaroon sila nang magandang simula.

Naghiwalay ang kanilang mga labi. Hinabol nila ang hi­ninga. Magkayakap pa rin sila.

“Mahal na mahal kita Krema,” bulong ni Lex.

“Mahal na mahal din kita Lex,” sabi naman ni Krema.

“Gusto ko, ihanda na natin ang kasal. Gusto mo magtungo tayo sa Maynila para maipakilala na kita kay Mama?’’

“Sige, Lex.’’

“Kapag naipakilala na kita, iplano na natin lahat ang kasal.’’

“Anong gusto mo, dito tayo ikasal o sa Maynila?’’
“Kung sa Maynila na kaya.’’

“Sige, Lex.’’

“Sa makalawa ay lumuwas na tayo.’’

“Ikaw ang bahala, Lex. Lahat nang plano mo ay susundin ko.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with