Benham Rise gawing Phl Rise
MANILA, Philippines - Upang mapagtibay ang pagmamayari sa soberenya ng 13 milyong hektaryang Benham Rise, ipinanukala ng pamahalaan na palitan na ang pangalan nito bilang “Philippine Rise”.
Sa isang press statement na inisyu kahapon ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, sinabi nito na titingnan ng Department of Foreign Affairs at ng Office of the Executive Secretary ang nasabing panukala.
“The DFA and Office of the Executive Secretary have been tasked to look into the possibility of changing the name of ‘Benham Rise’ to ‘Philippine Rise’ to emphasize Philippine sovereign rights and jurisdiction over the area,” pahayag ni Abella sa isang press statement.
Sinabi ni Abella na ang panukala ay nangangailangan ng legal at lohikang pag-aaral.
Ang Benham Rise na matatagpuan sa pagitan ng karagatan ng Isabela at Aurora ay ang bagong teritoryo na ini-award ng United Nations sa Pilipinas noong 2012.
Una nang nagpahayag ng pagkabahala si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa namonitor na pagsu-surveillance sa ‘underwater region’ ng mga barko ng China sa Benham Rise na nagsimula pa noong Disyembre ng nakalipas na taon.
- Latest