^

Police Metro

2 Drug dealer timbog sa 24 kilo ng shabu

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaabot sa 24 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng multi-milyong piso at iba’t-ibang uri ng matataas na kalibre ng armas ang nasamsam ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) sa operasyon sa Tondo, Maynila kahapon ng hapon.

Sa inisyal na impormasyon mula sa NBI-National Capital Region (NCR) ang mga naaresto ay kinilalang sina Edris Macalabo, 36 at Arvin Zapanta, 32  taong gulang.

Nasamsam ang mga shabu at mga baril sa Zaragoza St., sa panulukan ng Road 10, sa Tondo, Maynila na nakatakdang isakay sa To­yota Corolla na kulay abo na  may plakang WDJ-567 para umano dalhin  sa di pa batid na lugar sa Quezon City.

Hinihinalang nasa tig-isang kilo ang bawat bag habang ang mga baril ay kinabibilangan naman ng mga sub-machine guns, mga revolver at mga pistol.

Isasalang pa sa assessment ng Forensic Division ng NBI kung high-grade shabu ang mga nasamsam para matukoy ang value o halaga nito sa merkado.

Nakatakdang ipagharap ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms ang dalawang suspek.

 

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with