^

Pang Movies

Gerald nagpapabantay sa aso ‘pag ka-date si Bea

A POINT OF AWARENESS - Lanie B. Mate - Pang-masa

Natutuwa si Gerald Anderson dahil kahit paano ay nadagdagan na ang K9 na alaga ng ‘Pinas - umabot na sa bilang na 22.

Pero inggit pa rin si Gerald dahil wala pa ito sa kalingkingan ng K9 sa Japan dahil meron silang 200 na well-trained breed ng nasabing aso.

Inamin ni Gerald sa isang interview na alam niya na mahirap ang bago niyang passion patungkol sa K9, kaya patuloy ang kanyang itinayong Gerald Anderson Foundation na maghikayat ng maraming tao na i-train ang kanilang mga alagang aso na puwedeng i-enroll sa kanilang grupo. Hindi kailangang K9, kundi kahit walang breed at pwedeng ipasok sa kanyang foundation. Puwedeng imported na aso o kahit askal pa ito. Nag-branch out na rin ang kanilang foundation na tinawag niyang Angel Dogs.

Hangad ni Gerald na dumami ang asong ma-train na tiyak na mapapakinabangan sa panahon ng kalamidad. Aabutin lang daw ng anim na buwan ang training sa kanilang foundation at puwedeng mag-email sa GeraldAnderson.org.

Welcome kay Gerald ang mga volunteer na gustong tumulong at matuto na mag-train ng kahit anong gender pa ng aso.

Samantala, bilib si Bea Alonzo sa malaking pagbabago at maturity ni Gerald na kung dati raw ay parang inosente lang, ngayon ay hindi alam ng aktres kung paano napapagsabay ng aktor ang kanyang trabaho at activities.  Hindi mahilig si Bea sa mga hayop pero dahil kay Gerald ay nagkaroon ito ng interes. Pero aminado si Gerald na kasama ang kanyang aso sa ilang date nila ng aktres.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with