^

Pang Movies

AiAi ayaw umeksena sa graduation ng boyfriend!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
AiAi ayaw umeksena sa graduation ng boyfriend!
Gerald at AiAi

Graduate na ang boyfriend ni AiAi delas Alas na si Gerald Sibayan. Proud na pinost ng Comedy Queen ang picture ng boyfriend na nakasuot ng toga sa harap ng school niyang De La Salle University kahapon sa kanyang Instagram account.

Pero next week na magmamartsa si Gerald. “Congrats darling!” mensahe ni Ai kay Ge.

Biro nga namin kay AiAi, huwag siyang gagawa ng eksenang umiiyak habang nagmamar­tsa si Gerald.

“Gaga! Hindi naman ako ang nagpaaral sa kanya! Moment niya ‘yon kaya bawal umeksena! Ha! Ha! Ha!” sabi ni Ai sa amin.

Varsity player ng badminton sa La Salle si Gerald. Kaya self supporting siya sa pag-aaral. Walang ginastos si AiAi sa tuition fees ng boyfriend. “Binibigyan ko na siya ng allowance bago pa humingi! Ha! Ha! Ha!” biro ni Ai.

Pero kung iniisip ng mga tao na spoiled si Gerald kay AiAi, nagkakamali kayo dahil nasaksihan namin minsan kung paano niya pagalitan ang boyfriend, huh!

Congratulations, Gerald!

Ariel at Gelli ayaw magkatrabaho

TV adaptation ang comeback project ni Ariel Rivera sa GMA-7, ang Hahamakin Lahat. Kahapon nga ay opisyal na nagbabalik ang aktor na huling napanood sa Kapamilya network.

Kapansin-pansin lang na sa kanila ni Gelli de Belen, bihira silang sabay na magtrabaho sa isang network. Sa ngayon, may series ang asawa ng singer-actor sa Channel 2. Sinasadya kaya nilang ‘wag magsama sa isang network?

Isa ang series ni Ariel sa mga bagong shows ng GMA sa eere sa last quarter ng 2016. Ang ilan sa bagong shows na aabangan ay ang TV version ng Regal movie na Pinulot Ka Lang Sa Lupa at ang Anything For You.

Bianca napapahanga sa paintings nina Heart at Solenn

Kinabibiliban ng Kapuso teen actress na si Bianca Umali ang mga painting nina Heart Evangelista at Solenn Heusaff. Gaya ng dalawa, mahilig din siya sa paintings kaya nga nang magkaroon ng oras, dumalo siya sa katatapos na Manila Art Fair sa Taguig.

“My love for art started when I was young since I am always fascinated with colors, sketches and paintings. Kaya ‘yung experience ko dito was amazing since I was able to see different kinds of art genre. I was able to learn different things through paintings. Tulad ng mga art nina Ate Solenn at Ate Heart na ina-admire ko talaga,” pahayag ni Bianca.

Samantala, marami ang aliw na aliw at relate na relate sa character ni Bianca bilang si Grace sa Usapang Real Love kung saan kasama niya ang ka-loveteam na si Miguel Tanfelix at Jak Roberto.

Young actress pailalim kung lumandi!

Simpleng malandi pala ang turing ng ilang co-stars sa isang young actress. Kasi naman, very deceiving ang looks niyang inosente, huh!

Kapag on camera ay hindi cooperative ang young actress sa pagiging sweet sa ka-loveteam. Pero pag off cam daw eh doon na lumalabas ang landi ng young actress, huh!

Kahit todo denay siya na walang relasyon sa ka-loveteam, ang co stars niya ang witnesses na meron na silang relasyon, huh!

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with