^

Pang Movies

Dick Israel namatay, misis nakaratay sa ICU

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Pang-masa

Rest in Peace Dick Israel.

Namaalam na sa edad na 68 ang dating character actor. Nakilala siya sa maraming pelikula bilang kontrabida at sidekick pero kamakailan ay biglang umingay dahil nasunugan at nangangailangan ng tulong.

Pero noong Miyerkules ng madaling araw ay nakumpirmang namayapa na siya.

Samantala, nasa kritikal na kalagayan naman ngayon ang misis ng actor.

Si Nadia Montenegro na punong abala sa burol ng beteranong actor ang nagbalita tungkol sa sitwasyon ng misis ni Dick Israel. Meron daw itong aneurysm at coma sa kasalukuyan sa ICU Makati Medical Center.

Isa si Nadia sa tumutulong sa pamilya ni Dick Israel simula nang masunugan ito at mangailangan.

Kris hindi na makapag-demand

Wala na raw interes ang ABS-CBN kay Kris Aquino.

Wala raw kasi talagang maibigay na timeslot ang Kapamilya Network kay Kris.

Ngayon daw kasi siksik liglig ang mga programa ng Dos.

Eh bakit kaya ang GMA, ganundin umano. Wala ring maibigay sa dating presidential sister na oras?

Kung sabagay ganyan naman ang realidad. Pag wala ka na sa posisyon wala ka na ring karapatang mag-demand. At na-realize ito ni Kris sa nangyari sa career niya.

Aktres na matulungin pinagdududahang nag-i-steroids kaya tumaba

May suspetsa ang ilan na nag-i-steroids ang isang aktres kaya tumaba ito. Malaman at halos nagdu-double chin ang aktres na may pelikula sa kasalukuyan kaya ang duda ng mga nakapanood na sa pelikula niya, malamang para hindi magdusa sa nararamdamang sakit ang aktres ay nag-steroids ito.

Eh ‘di ba common knowledge na nakakataba ang steroids?

Ganun pa man, kahit medyo naging chubby na siya, maganda pa rin naman ang mukha niya at hindi na mabubura sa kamalayan ang kabutihang loob ng aktres sa mga nangangailangan.

vuukle comment

DICK ISRAEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with