^

Pang Movies

Tiis-tiis daw muna, Piolo pumiyok na gusto nang magka-baby!

- Vinia Vivar - Pang-masa
Tiis-tiis daw muna, Piolo pumiyok na gusto nang magka-baby!
Piolo

Naghahanda na si Piolo Pascual para sa kanyang 8th Sunpiology Run na taun-taon ay inoorganisa ng Sun Life Financial kung saan ay ang aktor din ang brand ambassador.

Sa presscon held last Tuesday sa Sofitel Philippine Plaza, fit na fit humarap si Piolo at mukhang napahinga siya nang husto since medyo bakasyon siya sa TV ngayon at matagal-tagal na nga rin siyang hindi napapanood ng kanyang fans.

Biniro nga siya ng entertainment press kung kaylan ba siya mapapanood ulit at say niya, “Just like what I said before, I had to take some time off, just really rest.”

Pero may ginagawa naman daw siyang pelikula ngayon, ang Once in a Lifetime under Regal Films with Yen Santos at ‘yun daw ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

“Other than that, wala namang ibang pinagkaaabalahan. Nasa bahay lang,” he said.

As we all know, dapat ay noon pa gagawin ni Papa P (tawag kay Piolo) ang soap opera na Written in our Stars with Toni Gonzaga and Sam Milby pero na-shelve nga ito temporarily dahil sa pagbubuntis ng asawa ni Paul Soriano.

Now na nakapanganak na si Toni, matutuloy pa ba ito?

“I actually messaged her, sabi ko, ‘if I were to do a soap, I really want it to do with you’. So, sabi niya, she’s ready to work, maybe January or February. Sabi niya, ibabalik lang daw niya ‘yung katawan niya as if walang nangyari.”

Hindi ba siya naiinggit kay Toni na may baby ito? Hindi pa ba niya gustong magka-baby ulit?

“Gusto ko, I mean, you know, parang ang sarap ng may baby ‘di ba? Ang sarap ng may baby sa bahay. But tiis-tiis lang. At least, you know, I have my son (Inigo Pascual) na kasama ko na sa mga lakaran,” sey ni Piolo.

Wala pa rin bang nagpapatibok ng kanyang puso?

“Wala, eh. Pakitibok nga,” natatawa niyang sabi.

Pero sa seryosong usapan, sabi ng aktor, “Well, I’ve come to a point na I don’t look for it anymore, as much as I don’t have time for it. I just enjoy life and I still have so many things I wanna do, so if it comes, it comes and it comes soon when it comes.”

Pero aniya, if possible, ang gusto niyang maging next girlfriend ay someone who’s also into fitness tulad niya.

“Ideally, yeah. I remember before, kapag meron akong nagiging girlfriend, it’s either I buy her a bike or I invite her to run because it’s my regular activity so we do things together.

“So, it’d be a plus factor if we’re able to train together so we have more time together,” wika ni Papa P.

Kahit wala siyang girlfriend ngayon, aniya ay masaya naman daw siya.

“Happy naman ako, I mean, you know, baka maunahan pa ako ng anak ko, but you know, I’m just really grateful, grateful lang ako sa mga blessings na nangyayari sa buhay ko. And besides, I enjoy life, you know.

“Gusto ko mag-travel, gusto kong marami pang gawin, and just like what I said, when it comes, it comes.”

Samantala, ang theme for this year’s Sunpiology Run ay Sugar Wars na gaganapin sa Nov. 19 at Camp Aguinaldo, Quezon City. Aside from Piolo, kasama rin ang iba pang Star Magic talents na tatakbo tulad nina Gerald Anderson, Xian Lim, Jessy Mendiola, Ejay Falcon, Hashtags at marami pa raw.

Bukod sa announcement of Sunpiology Run, sa nasabing event ay ini-launch din si Piolo as one of the ambassadors of the company’s new health protection product, ang Go Well.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with