^

Pang Movies

Alden aligaga sa bagong negosyo!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Full-blast na ang construction ng Concha’s Garden Cafe Quezon City ni Alden Richards. Sa Sct. Madrinan ito located sa gilid ng Il Terrazo mall at katabi ng Belo Clinic.

Bale ito ang second branch ng resto business ng Pambansang Bae. Unang tinayo ang nasabing restaurant sa Tagaytay City. Paboritong kainan ni Alden ang Concha’s sa Silang kaya ‘yun ang negosyong tinayo niya.

Business must be good kaya may branch na ang garden café sa QC, huh! Pero kahit abala sa trabaho, may time pa si Alden na bisitahin ang site sa QC.

Bukod sa negosyo, isang biyaya na naman ang dumating sa kanya nang magkaroon siya ng sosyal na SUV mula sa brand ng sa­sakyang iniendorso niya, huh!

Marian inirampa na ang damit na gawa ng Portuguese designer

Idinispley ni Marian Rivera ang damit na gawa ng Portuguese designer na si Joao Rolo sa premiere night ng movie ng asawa. Black ito na mga flowers ang highlights.

Eh sa Instagram post ng designer, ‘yung last part lang ang English caption. “Thank you soo much my dear.”

Si Rolo talaga ang gumawa ng paraan upang magkaroon ng komunikasyon kay Yan Yan. Mula nang makita sa cover ng fashion magazines, naging follower na niya ng designer.

Hanggang sa nakaisip siya na magpadala ng direct message kay Marian at hayun, nagkasundo ang tastes nila pagdating sa damit.

Ogie sa opera muna habang wala pang show

Nakabalik na ng bansa si Ogie Alcasid nang dinale ng lindol ang New Zealand. Nagkaroon siya ng concert doon at sa Australia.

Eh tutal wala pang show sa TV5, kaliwa’t kanan ang biyahe ni Ogie, dito man o sa abroad.

Pero bukod sa concert, may pinasok na ibang mundo si Ogie, ang opera na The Medium. Ito ay isang two-act opera na may words at music ni Gian Carlo Menotti. Isa sa kasama niya ang artist niyang si Lara Maigue.

Ngayong November 18 ang huling staging ng The Medium sa Mirror Theater Studio Kalayaan Avenue corner Don Pedro Street, Makati City.

Pero sa December, muling kakanta si Ogie sa Kia Theater.

Sinasamantala ni Ogie ang mga oras na wala pang TV show at habang hindi pa dumarating ang panganay na anak mula sa Australia na sa kanila muna titira.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with