^

Pang Movies

Robin hanggang Skype lang nakita ang panganganak ni Mariel

- Vinia Vivar - Pang-masa
Robin hanggang Skype lang nakita ang panganganak ni Mariel
Mariel

Sa wakas ay isa nang ganap na ina si Mariel Rodriguez-Padilla dahil kahapon, Nov.15 sa Pilipinas (Nov. 14 sa USA) ay iniluwal na ng TV host sa mundong maliwanag ang panganay nila ni Robin Padilla na si Maria Isabella.

Si Binoe mismo ang nagbalita ng successful delivery ni Mariel sa kanyang Instagram kahapon ng umaga kasama ang short clip ng panganganak ng misis.

Sa post ni Robin ay obvious na obvious na maligayang-maligaya ang action star kahit na nga ba wala siya sa tabi ni Mariel dahil hindi pa siya nabibigyan ng US Visa. Pero ganunpaman ay labis ang pasasalamat ni Binoe na nakaraos ng maluwalhati ang misis na nag-labor ng 21 hours.

Narito ang post ni Binoe: “Subhana Allah Alhamdulillah Allah hu akbar Allah hu akbar Allah hu akbar !!! Isabella was born 7:56 am on November 14, 2016,  7.3 lbs and 20 inches. Exactly 21 hours of labor and Normal Delivery.

“Maraming salamat po Mahal na Panginoong maylikha sa biyaya ng buhay at kaligayahan. Nagpapasalamat po ako sa mga taong inyong inalay sa amin upang maalagaan ang aking asawa sa kanyang maselan na pagbubuntis hanggang sa panganganak.

“Ako ay nagpupugay sa iyo Tita Maricon Termulo at Eric Tamesis na nagsilbing hotel ang kanilang bahay, naging driver bodyguard ang buong pamilya at higit sa lahat ay ang haplos ng isang ina at sa Iyo Sir Abellardo Termulo sa pagpapakita ng iyong pagmamahal at suporta sa iyong anak, wala po kayong katulad isa po kayong alamat sa pagiging Ama at bilang lolo ni Maria Isabella ay sinamahan mo siya sa pagtawid mula sa sinapupunan hanggang sa pagsilang, isa pong karangalan na kayo ang pumutol ng umbilical cord.

“Akoy buong pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga amerikanong nurse, midwife at staff na nagpakita ng genuine concern sa panganganak ng a­king asawa.

“Maraming salamat din Analyn sa pagiging kapatid namin sa hirap at ginhawa. Tanggapin po ninyo ang aking paggalang at malalim na pasasalamat Dra Eileen Manalo Dra Mangubat at higit sa lahat akoy nagpupugay at naglulumuhod sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo na nagdasal at nagsalmo para maging maayos ang kabanata na ito sa buhay ni @marieltpadilla at ni Maria Isabella de padilla. Mabuhay po !!! at pagpalain nawa tayong lahat ng Panginoong Maylikha.”

Maya-maya ay nag-post naman si Binoe sa kanyang Facebook account at ipinahayag kung gaano siya kasaya ngayon.

“Sobrang saya ko dahil sayo Isabella. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman,” post nya.

Abut-abot ang pagbati sa mag-asawa ng kanilang mga malalapit na kaibigan, fans and supporters. Lahat ay masaya para sa kanila lalo na nga kay Mariel na napakatagal nang hinintay ang pagkakataong ito.

Cinema One budget tinaasan

Nagsimula na ang Cinema One Originals Film Festival last Monday, November 14 at tatkbo ito hanggang Nov. 22.

Sobra ang pasasalamat ng C1 Originals Channel Head ng Cinema One Originals na si Ronald Arguelles sa lahat ng sumusuporta sa festival sa loob ng 12 years and at the same time ay masaya siya na mas dumadami pa ang gustong makilahok sa festival.

Ang maganda pa this year, tinaasan ang budget para sa mga producer na sumali dahil ang bawa’t entry ay tumanggap ng P3-M unlike in the past years na P1-M lang. There are seven official entries para sa kategoryang full length film.

Ang mga ito ay Malinak ’Ya Labi, sinulat at idinirek ni Jose Abdel La­ngit starring Allen Dizon and Angeline Quinto, with Althea Vega, Marcus Madrigal, Menggie Cobarrubias, Dexter Doria, Richard Quan at Ms Luz Fer­nandez; Tisay mula sa direksyon ni Alfonso Torre (Borgy Torre) at pinagbibidahan nina Nathalie Hart, JC de Vera, Gerhard Acao, at Joel Torre;  Baka Bukas na sinulat at idinirek ni Samantha Lee starring Jasmine Curtis Smith, Louise delos Reyes, Kate Alejandrino, Gio Gahol, Nelsito Gomez, Cheska Iñigo, Lexter Tarriela; Cool 2Be 4Gotten mula sa panulat ni Jason Paul Laxamana at idinirek naman ni Petersen Vargass starring Khalil Ramos, Ethan Salvador, Jameson Blake, Peewee O’hara, Jomari Angeles, Joel Saracho, Mean Espinosa, at Ana Capri ; Si Magdalola at Mga Gago ni Direk at ang cast ay sina Peewee O’Hara, Ricky Davao, Rhen Escaño at ang  Lily mula sa direksyon ni Keith Deligero starring Shaina Magdayao, Rocky Salumbides, Natileigh Marie Therese Sitoy, at may special participation sina Lav Diaz at Eula Valdes.

Sa Documentary film category, entries are Piding, Forbidden Memory at People Power Bombshell (The Diary of Vietnam Rose). Napapanood ang C1 Originals sa Trinoma, Gateway, Glorietta at Cinematheque Center Manila.

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ-PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with