^

PM Sports

Francisco D. Babon. Jr. nakadalawang panalo

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang magkasunod na panalo ang agad na naitala ni horseowner Francisco D. Babon Jr. sa karera noong Sabado.

Sa isang PRCI Invitational-8 ay nagningning ang entry ni Babon na Batang Annala, isang tatlong taong kastanyo na ginabayan ni Jonathan B. Hernandez at kinundisyon naman ni trainer Conrado M. Vicente.

Sa pagbukas pa lamang ng aparato ay hindi na pinaporma ng Batang Annala ang mga kalaban sa may 1,200 metro distansiyang karera. Tumawid ng meta ng masyadong malayo ang kalamangan sa nasegundong Play It Safe.

Sa PRCI Invitational-19 naman ay hugando ring nanalo ang entry ni Babon Jr., na Bliss na sa pagkakataong ito ay sinakyan ni Andrew R. Villegas.

Ang dalawang kabayo ay parehong paborito sa kani-kanilang grupo.

Ang isa naman sa aabangan natin para makasali sa darating na triple crown stakes race ay ang Indiana Sky na nagpasikat din sa isang two year old handicap-3.

Ang Indiana Sky ay ginabayan ni apprentice Onil P. Cortez matapos na maikundisyon ni Anthony L. Francisco. Siya ay pag-aari ni businessman/sportsman Joseph C. Dyhengco.

Ang isa pang hugandong nagwagi ay ang outstanding favorite na Lollipop na pinatungan ni Jordan B. Cordova at inaalagaan ni Renato R. Yamco at entry ni Leonardo M. Javier Jr.

Nagparemate pa mandin ang Friendly Bull na dinala ni Jeffrey T. Zarate, pero nakatawid na sa finish line ang Lollipop.

Tersero rito ang nagdala ng trangkong Expecto Patronum ni A.M. Basilio at pang-apat ang ginabayan ni Jessie B. Guce na Pearl Bull. JMacaraig

vuukle comment

FRANCISCO D. BABON JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with