^

Punto Mo

Lipat-ulo, puwede nga ba?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon Bernardo - Pang-masa

LUMABAS umano iyon sa ulat ng New York Post at ginamit ng website ng Marketwatch at kinagat naman ng ibang news site. Ang sabi, balak ng kontrobersiyal na professor at neurosurgeon na si Sergio Canavero na isagawa ang kauna-unahang head transplant sa Disyembre ng taong ito.

Sinabi niya sa panayam, German magazine na OOOM na isasagawa ang operasyon sa China. Ayon sa Observer, 80 surgeon ang lalahok sa operasyon na tatagal nang 36 na oras at aabot sa $10 milyon ang halaga ng magagastos.

Para nga raw sci-fi na magkakatotoo. Sinasabi pa ni Canavero na dating direktor ng Turin Advanced Neuromodulation Group na ang mga tao na ang mga utak ay sinasabing cryogenically frozen ay maaaring ma-revived sa loob ng tatlong taon.

Wala nang ibang detalye hinggil sa isasagawang operasyon maliban sa binanggit ni Canavero na  meron nang malawakang progreso sa eksperimentong medikal na dating imposibleng mangyari.

Ang pahayag niya ay kasunod ng isang pag-aaral na isang team niya ang nagawang ilipat ang ulo ng isang maliit na daga sa katawan ng mas malaking daga. Nalathala umano ang pag-aaral sa CNS Neuroscience and Therapeutics, ayon sa Newsweek.

Gayunman, ayon sa ulat, lahat umano ng mga manggagamot na kakontemporaryo ni Canavero ay tumangging iendorso ang kanyang plano.  Isa sa mahigpit na tumututol dito ang bioethicists na si Arthur Caplan ng New York University. kaistupiduhan anya ang ganitong hakbang. Sa panayam ng  Live Science, sinabi ni Caplan  na maaari kang kasuhan ng homicide sa pagpugot sa isang tao bago ito mamatay.

Kung dati, may tinatawag na face transplant na solusyon umano sa mga pangit o nagkapinsalang mukha, ngayon naman ay may mag-eeksperimento sa head transplant. Hindi nga lang malinaw ang mga detalye dito. Bakit nga ba kailangang magsagawa ng head transplant? Parang unethical na meron kang tatanggalan ng ulo para ipalit sa katawan nito ang ibang ulo. O baka naman bangkay ng namatay na tao ang paglalagyan ng ulo na ang dating may-ari ay nagkaroon ng malaking problema sa katawan nito na siguro ay naging paralisado o nadisgrasya sa aksidente. Parang nakakatawa na nakakainis. Hindi naman puwedeng tanggalan ng ulo ang isang buhay na tao para ipalit dito ang ulo ng ibang tao. Kahit pa sabihing ang tatanggalan ng ulo ay nagboluntaryong i-donate ang kanyang katawan sa ulong nangangailangan ng bagong katawan.

vuukle comment

LIPAT-ULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with