^

Bansa

11 bata ni Misuari dedo sa AFP

-
Labing-isang bata ni ex-ARMM Governor Nur Misuari ang napatay habang 2 sundalo naman ng militar ang nasawi makaraan salakayin ng mga loyalistang tauhan ng una kasama ang bandidong grupo ng Abu Sayaff ang tropa ng militar sa Jolo, Sulu, kamakalawa ng madaling araw .

Ayon sa report ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Southcom, na mayroong 40 miyembro ng Misuari Renegades Group ang umatake sa nagpapatrulyang tauhan ng Marine Batallion Landing Troops sa bayan ng Luuk, Jolo, Sulu.

Umabot sa anim na oras ang bakbakan ng dalawang panig na naging dahilan para masawi ang dalawang tauhan ng militar at hindi pa nakikilalang 11 tauhan ni Misuari.

Napag-alaman din AFP na bukod sa MRG ay kasama din sa pag-atake ang mga rebeldeng Abu Sayaff.

Ayon kay Brig. Gen. Edilberto Adan, AFP spokesperson, na kanila pang inaalam ang mga pangalan ng mga nasawing sundalo at ang mga miyembro ng MRG.

Samantala, sinabi rin ni Adan, na kanilang inaalam sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kung saan lugar posibleng ikulong ang dating ARMM governo at manggagaling sa korte ang pinal na desisyon ukol dito.

Nagbabala si Adan sa mga tauhan ni Misuari na kapag hindi tumigil ang mga ito sa paghahasik ng lagim sa ilang parte ng Mindanao ay mapipilitan silang isama ang mga ito sa talaan ng mga terorista .

Hindi rin kinukonsidera ng AFP na bigyan ng malaking security measures si Misuari dahil ang ilan sa kapanalig nito ay nag-iisip na sumali sa magaganap na peace talks. (Ulat ni Jhay Mejias).

vuukle comment

ABU SAYAFF

ADAN

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

EDILBERTO ADAN

GOVERNOR NUR MISUARI

JHAY MEJIAS

JOLO

MISUARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with