^

Metro

Dahil sa sermon ng ina, adik nagbigti

-
Dahil sa sermon ng ina, isang binatang sugapa umano sa droga ang nagbigti kamakalawa sa Makati City.

Nasawi noon din ang biktimang si Victor Olarte, 39-anyos, binata, walang hanapbuhay, ng 5315 Harrison St., Brgy. Pio del Pilar, ng nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon ni PO2 Reynaldo Juan, natagpuang nakatali ng lubid ang leeg at nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto ang biktima dakong alas-6 kamakalawa ng gabi ng kanilang boarder na si Ace Batuon, 25, isang guwardiya.

Nabatid na sinermunan ang biktima ng kanyang ina dahil sa madalas nitong panghihingi ng pera at kawalang interes na maghanapbuhay at umasa na lamang sa kanya.

Hindi matanggap ng binata ang panenermon sa kanya kaya’t kinitil nito ang sariling buhay.

Natagpuan sa biktima ang suicide note nito na nagsasaad ng "Paalam, I did my best, but I think my best wasn’t good enough, I love you all, I always prayed the best for all of you. Forgive me always been cause of problem in our family, love Boboy". (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ACE BATUON

BOBOY

BRGY

DAHIL

HARRISON ST.

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

NABATID

REYNALDO JUAN

VICTOR OLARTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with