^

Metro

11 nasampulan sa 1st day ng smoking ban sa Pasay

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nasa 11 kalalakihan ang nasampulan sa unang araw nang pagpapatupad ng Nationwide Smoking Ban matapos madakip ang mga ito kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Ayon sa report, alas-2:30 kamakalawa ng hapon nang madakip ang mga  kalalakihan matapos maaktuhan ang mga ito nang mga nagpapatrolyang mga kagawad ng Pasay City Police na lumabag sa nationwide smoking ban sa Maricaban ng naturang lungsod. Unang nilektsuran ng mga pulis hinggil sa smoking ban at  mariing binigyan ng warning ang  mga ito.

Matatandaan, na noong buwan ng  Mayo 2017, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang Exe­cutive Order No. 26 na magbibigay ng smoke-free envi­ronment sa pampubliko at enclosed na lugar.

Kung saan nitong nakaraang Hulyo 23 ang unang araw nang implimentasyon ng naturang batas.

Nabatid  na ang sinumang lalabag sa naturang batas ay may magmumulta mula P1,000 hanggang P5,000.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with