^

PM Sports

Ika-4 Tour De France title ni Froome

Lawrence Agcaoili - Pang-masa

PARIS – Nagpamalas si Chris Froome ng halos perpektong performance  para makopo ang kanyang ikaapat na Tour de France  title para makalapit sa mga greatest cyclists habang nakopo ng kanyang Team Sky ang pang limang team overall championship sa pagtatapos ng ika-104 edisyon ng karera.

May mga ilang pagkakataong nalagay sa alanganin ang Briton sa kabuuan ng 3,540-km  karera ngunit lagi siyang nasa kontrol dahil sa kanyang high-caliber team mates na sinuportahan siya sa mga bulubundu-king bahagi ng karera.

Muntik pang makadalawang rider ang Team Sky na siyang laging may pinakamaraming bilang sa peloton, kung hindi lamang kinapos ng isang Segundo ang kasama nilang si Mikel Landa  ng Spain.

Isang titulo na lang ang layo ni Froome  sa mga all-time greats na sina Belgian Eddy Merckx, Miguel Indurain  ng Spain and French duo Jacques Anquetil at Bernard Hinault.

Siya ang unang nanalo ng tatlong sunod na Tour De France na huling nagawa ni Indurain noong 1991-95.

Binura sa record books ang pitong titulo ni Lance Armstrong dahil sa paggamit ng steroids.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with