^

PSN Palaro

Uichico gagabayan ang Gilas sa SEAG

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

TAIPEI – Maghahati ng trabaho ang Gilas Pilipinas coaching staff para sa FIBA Asia Cup sa Lebanon at sa Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Si head coach Chot Reyes ang mangunguna sa kampanya ng Nationals sa Asian meet, samantalang si chief deputy Jong Uichico ang hahawak sa koponan sa Kuala Lumpur SEA Games.

Kung maagang masisibak ang Gilas Pilipinas sa knockout phase ng Asian meet ay makakahabol pa ang Gilas program chief sa laro ng Gilas cadets sa Kuala Lumpur.

“Of course, we don’t want that (them flying home early from Lebanon),” wika ni Reyes sa pag-target ng Gilas sa korona ng FIBA Asia Cup kung saan sumegunda ang Nationals sa nakaraang dalawang edisyon ng torneo sa Manila at sa Changsha.

Ang FIBA Asia Cup, itatampok ang mga bagong miyembrong Oceania heavyweights na Australia at New Zealand, ay naka­takda sa Agosto 8-20 at ang SEA Games ay sa Agosto 19-30.

Makakatuwang ni Reyes sa FIBA Asia Cup sina assistant coaches Josh Reyes at Ryan Betia, habang si Jimmy Alapag ang magiging kanang kamay ni Uichico sa SEA Games.

Kabisado naman ni Uichico ang SEAG competition matapos ihatid ang Nationals sa gold medal noong 2009 Myanmar SEAG.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with