^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagpaliwanagin ang DOH sa nasayang na gamot

Catherine Talavera - Pang-masa
EDITORYAL - Pagpaliwanagin ang DOH sa nasayang na gamot

MARAMING mahihirap ang maysakit. Hindi sila makabili ng gamot dahil sa kakapusan ng pera. At habang marami ang namumroblema kung paano makakabili ng gamot, nabulgar na may mga nasasa-yang palang gamot sa regional offices ng Department of Health (DOH). Ayon sa annual audit report ng Commission on Audit (COA), nagkakahalaga ng P69 milyon ang mga nasayang na gamot. Bukod sa mga gamot, may mga depektibo ring dental vehicles na pinamahagi sa NCR, Cagayan Valley at Zamboanga Peninsula na hindi na nagagamit.

Ang mga gamot na dapat ay gamitin bago matapos ang 2016 ay natagpuan umano sa DOH National Capital Region (NCR) office, DOH Caraga Administrative Region (Region XIII) office at DOH Davao Region Office.

Ayon pa sa report ng COA, ang atrasadong distribution ng DOH Central Office’s ng mga gamot at supplies sa regional offices at mga ospital ang dahilan kaya hindi nagamit ang mga gamot at na-expired lang ang mga ito. Sa halip mapakinabangan ng mga mahihirap, itinapon lang sa basurahan ang mga gamot dahil expired na ang mga ito. Nasayang lang!

Ang prayoridad ng Duterte administration ay maibigay sa mga mahihirap ang lahat nang tulong --- pagkain, gamot, bahay na tirahan at iba pa, pero sa ibinulgar ng COA, tila taliwas ito sa hangarin ng kasalukuyang administrasyon. Nasaan na ang inaasahang kalinga na pangakong ipagkakaloob sa mga mahihirap? Bakit pati ang mga gamot na lubhang kailangan ng mga mahihirap sa liblib na lugar ay hindi naipagkaloob sa takdang oras? Bakit kaila-ngang ma-expired sa central office ng DOH?

Kung makikita lamang ang mga nakapilang mamamayan sa mga government hospital para magpagamot at bumili ng gamot, nakalulula ang haba. Marami sa kanila ang madaling araw pa nakapila para ma-admit ang kanilang pasyente.

Sa nangyayaring gulo sa Marawi City na naging dahilan para mag-bakwit ang mamamayan, marami sa kanila ang nagkakasakit sa evacuation centers at kailangan nila ng gamot at pagkain.

Imbestigahan ang pagkasayang ng mga gamot sa DOH offices. Pagpaliwanagin ang mga nangangasiwa. Parusahan ang may kagagawan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with