^

Metro

Mobile jail iikot sa SONA Bayolenteng raliyista, ikakalaboso

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mobile jail iikot sa SONA  Bayolenteng raliyista, ikakalaboso

Ramon Ang is in talks with the Prieto familty to acquire its stake in the Philippine Daily Inquirer. File

MANILA, Philippines -  Binalaan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Oscar Albayalde na aarestuhin at ikakalaboso ang mga bayolenteng raliyista kaugnay ng gaganaping ikalawang  State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas  araw ng Lunes.

Ayon kay Albayalde , may mga iikot na mobile jail ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)  kung saan pansamantalang ikukulong ang mga bayolenteng raliyista bago pa man dalhin ang mga itop sa mga police precinct para imbestigahan at sampahan ng kaukulang kaso.

 “ Meron tayong mobile jails from BJMP,  just in case na meron talagang manggulo,  we have to make arrests. as we have repeatedly said sa ating mga kababayan, while we respect democracy and freedom of speech, freedom of assembly we cannot allow anybody to trample with  our laws”, pahayag ng NCRPO Director.

Inihayag ng opisyal na ‘all sets go’ na ang NCRPO sa  gagana­ping SONA ni Pangulong Duterte .

Sinabi ni Albayalde na paiiralin ng pulisya ang maximum tole­rance at nakiusap rin sa mga magsisipagprotesta na sumunod sa panuntunan at idaos ang kanilang mga sentimiyento sa mapayapang paraan.

Ang  PNP ay magdedeploy ng 6,300 pulis habang isang batalyon o 500 namang sundalo ang ipakakalat bukod pa sa 500 standby forces sa Camp Aguinaldo na handang magresponde sakaling may mga sumiklab na kaguluhan. Bukod dito may mga augmentation team rin sa Camp Crame mula sa Police Regional Office (PRO) IV-A at  maging sa Central Luzon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with