^

Metro

Mahigit 2,000 squatters ng QC, ire-relocate na ng NHA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Umaabot sa 2,053 mga pamilyang informal settlers sa Quezon City ang handa nang maili-pat ng National Hou-sing Authority (NHA) sa kanilang relocation site sa San Francisco Del Monte sa Bulacan.

Ayon kay Ms Neri Su­bido ng Commercial and Industrial Estates department ng NHA, ang naturang bilang na pamilya na na-qualified na mairelocate sa Bulacan ay na-finalize makaraan ang matinding pagsusuri at pag-aaral sa bawat pamilyang sasakop sa kanilang programa.

Anya, sa mahi­git 4,000 family informal settlers sa QC na na-survey na, ang nag-qualified lamang ay ang 2,053 at hindi nasakop ng programa ang 2,185 families na na-disqualified na ang ilan ay nakatira sa NHA property sa  BIR road at NIA road na ang ilan ay naka-airconditioning pa ang bahay at ang iba ay nagpapaupa pa ng bahay kahit hindi kanila ang lupa.

Sinabi ni Subido na ang bawat beneficia­ry ng relokasyon ay mag­ka­karoon ng bahay na may 40 square meters na lawak,pero may baba­yaran silang P200 kada buwan sa loob ng 3 taon .

Ayon sa NHA, may kabuuang 8,908 families ang informal settlers sa QC na naninirahan sa NHA property.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with