^

Metro

Bebot natagpuang patay sa loob ng hotel

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay na nang matagpuan sa loob ng isang ku­­warto ng isang hotel ang isang dalaga na bu­­­­mubula ang bibig, kamakalawa ng hapon sa Calo­ocan City.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi na si Lexlyn Joy Bautista, 20-anyos, estudyante, at na­ni­nirahan sa Caypombo, Sta. Maria, Bulacan.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-5 ng hapon nang madiskubre ang biktima sa loob ng Room 394 ng isang hotel sa may EDSA-Monumento. 

Nabatid na tinawagan ng telephone operator ang kuwarto na tinuluyan ng biktima dahil sa lagpas na sa kanyang oras ngunit hindi sinasagot.

Nang buksan ng room attendant na si Quimar Margas at kanyang hindi nagpakilalang supervisor ang kuwarto gamit ang duplicate na susi ay tumambad sa kanya si Bautista na bumubula ang bibig.

Rumesponde ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives at Crime Laboratory Office sa lugar ng krimen upang magsagawa ng imbestigasyon at kumuha ng mga ebidensya para mabatid ang naganap sa loob ng kuwarto ng naturang hotel.

Kabilang sa nirerebisa ang kuha ng “closed circuit television camera” ng naturang hotel upang malaman kung may kasama ang biktima nang mag-check-in o may iba pang naganap sa kuwarto ng nasawi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with