^

Pang Movies

May ganun pa ba? Jak at Barbie nag-stargazing nang mag-date

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

No problem pala kay Barbie Forteza kung may manliligaw man sa kanya sa apat na leading men niya sa Meant To Be na sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner, at Addy Raj.

Biniro kasi namin si Mommy Amy ni Barbie kung may natitipuhan ba siya sa apat para maging boyfriend ni Barbie. 

Ayaw daw niyang makialam kung sino ang gusto ni Barbie, bibigyan daw nila ng daddy niya ang freedom kung sino ang mapipili ni Barbie sa kanila.

Kaya naman si Jak, nang makausap namin sa set visit ng Meant To Be, biniro namin ng “kayo na ba?” matapos mabalita na nag-date silang dala?a.?t mabuti ay pinayagan silang lumabas na sila lamang dalawa ng parents ni Barbie.

“Inimbita ko po talaga ang parents ni Barbie at pumayag sila,” sabi ni Jak. “Pero nung last minute, hindi sila pwede kaya sabi kami na raw lamang ni Barbie ang lumakad.

Matagal na po akong hindi nakalalabas, kahit manood lamang ng sine, dahil nagkasunud-sunod ang work, kaya po nilubos na namin ni Barbie at tatlong movies ang pinanood namin, nag-start kami ng 2:00 p.m., natapos kami ng 12:00 midnight, kasi nag-dinner pa kami at pareho pala kami ni Barbie na mahilig sa stars, kaya nag-stargazing pa muna kami.?ag-enjoy po kami nang husto.”

So, sila na ba ni Barbie, o nanliligaw ba siya kay Barbie?

“Hindi po, talagang magkaibigan lamang kami ni Barbie, matagal na kaming magkakilala sa GMA, ilang shows na rin kami nagkasama at dito sa Meant To Be, lalo kaming naging close, comfortable na magkasama.? Kung kami na po talaga ni Barbie, hindi ko ipu-post iyong lakad naming da?awa, gagawin ko pong private iyon, pero gusto ko ring i-share sa JakBie fans namin kaya pinost ko.”

Mamayang gabi, iwi-welcome na sa Meant To Be ang GAYA boys na magiging kalaban sa business ng JEYA boys na siyang boss ni Billie sa story.? Ang GAYA ay mula sa first initial ng characters nila sa show.? Sila ay sina Matthias Rhoads as Gordon, ang head ng grupo; si Vince Vandorphe as Avi, Carl Cervantes as Yexel at si Dave Bornea as Andrew.

Hindi pa alam ng GAYA boys kung magkakaroon din sila ng love angle kay Billie at maapektuhan kaya ng pagdating nila ang friendship nina Jai (Addy), Ethan (Ivan), Yuan (Ken), Andoy (Jak).

Ang Meant To Be ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Destined To Be Yours.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with