^

PSN Showbiz

Gabbi mag-isang nagpunta sa Antique!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kanya-kanyang hugot ang ibabahagi ng mga Kapuso stars sa kanilang mga biyahe sa 3 Days of Summer ngayong Linggo (May 7).

Ang 3 Days of Summer ay isang unique summer special presentation handog ng GMA Public Affairs kung saan hinihikayat ang manunuod na hanapin ang mga natatanging paraiso sa Pilipinas hindi lamang para mag-selfie o group shot kundi upang mas makilala rin ang ating mga sarili.

Samahan sina Encantadia star Gabbi Garcia; celebrity couple Paolo Contis at LJ Reyes; at ang Meant To Be leading men na sina Ken Chan, Addy Raj, Jak Roberto, at Ivan Dorschner na alamin kung saan at paano pumunta sa ilan sa magagandang destinasyon sa bansa.

Pero higit sa magagandang tanawin, bibigyang-pansin din ng 3 Days of Summer ang iba pang dahilan kung bakit kailangang bumiyahe sa iba’t-ibang lugar—ito ay upang makapag-nilay-nilay at mas mapabuti pang lalo ang sarili.

Bilang The Solo Traveller, patutunayan ni Gabbi na kayang maging masaya kahit na single at mag-isa lang sa biyahe sa kanyang pagbisita sa Antique.

Sina Paolo at LJ naman ang Travelling Couple na lilipad patungong Davao Oriental. Mag-level up kaya ang kanilang relasyon sa pag-explore sa Mati City at Aliwagwag Falls?

Sa kanilang magkakaibang personalidad at ugali, siguradong riot naman ang biyahe nina Ken, Addy, Ivan, at Jak. Bilang Travelling Barkada magsisimula ang kanilang road trip sa La Union hanggang mapadpad sila sa Benguet province. At ang ultimate challenge ng barkada? Marating ang tuktok ng Mt. Ulap! Kayanin kaya nila ito? Masusubok din dito ang pagkakaibigan ng MTB boys.

Huwag palampasin ang two-part special na 3 Days of Summer ngayong May 7 at 14 sa Sunday Night Box Office,  pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho sa GMA-7.

vuukle comment

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with