^

Punto Mo

EDITORYAL - Banko para sa OFWs

Pang-masa
EDITORYAL - Banko para sa OFWs

SINABI ni President Rodrigo Duterte na balak niyang magkaroon ng sariling banko ang overseas Filipino workers (OFWs) para sa biglaang panga­ngailangan ng mga ito --- halimbawa ay magkasakit -- ay mayroong pagkukunan agad ng pondo. Malaki umano ang maitutulong kung may sariling banko ang OFWs sapagkat dito na rin sila magpapadala ng remittance nang walang bayad. Hindi na kailangang dumaan pa sa iba pang remittance center na malaki ang bayad. Pangako ng Presidente na isasakatuparan ang balak na ito.

Maganda ang planong ito. Kung matutuloy, isa ito sa magandang proyekto na pakikinabangan ng mga OFW. Malaking tulong ito sa mga bagong bayani na malaki ang naitulong sa ekonomiya ng bansa. Kung hindi sa OFWs baka nalubog na ang ekonomiya. Dapat lamang na mag-isip ng mga karapat-dapat na proyekto para sa mga bagong bayani.

Nang magtungo si Duterte sa Middle East noong nakaraang buwan, 151 runaway domestic helpers ang naiuwi niya. Binigyan ng cash assistance para makapagsimulang muli. Nang interbyuhin ang ilan sa kanila, masyadong masaklap ang kanilang dinanas sa mga amo. Isa ang nagsabi na pinagtangkaan siyang gahasain ng kanyang among Saudi kaya tumakas siya. Isa ang nagkuwento na masyadong malupit ang kanyang among babae. Lagi umano siyang sinasaktan. Sinasabunutan at sinasampal kapag nagkakamali. Ang iba pa ay nagsabing hindi sila sinusuwelduhan sa kabila na dalawang pamilya ang kanyang pinag­lilingkuran.

Kapuri-puri ang pagbitbit ng Presidente sa mga minaltratong OFW. Pero mas magiging kapuri-puri kung ipag-uutos niya sa mga ahensiya ng pamahalaan na higpitan ang pagpapadala ng DH sa mga bansa sa Middle
East na pinagmamalupitan ang mga Pinay.  Siguruhin muna ng mga ahensiya ng pamahalaan na mabuti ang magiging kalagayan ng DH sa Middle East bago paalisin.

Maraming naiisip si Duterte para sa kapakanan ng OFWs at sana maisakatuparan ang lahat nang ito. Bigyan nang pagpapahalaga ang OFWs.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with