^

Police Metro

Gov. Imee iimbestigahan ng Kamara

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa umanoy kwestiyunableng pagbili ng mil­yong pisong halaga ng mga saksakyan na ginagamit ng mga barangay officials ay iimbestigahan ng Kamara si Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Nakatakdang ipatawag ng House Committee on Good Government and Accountability si Marcos at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan nang hindi dumalo ang mga ito sa unang pagdinig ng komite.

Ayon kay House Majo­rity Leader Rodolfo Fariñas na siyang may akda ng House Resolution 882  na nagpapaim­bestiga sa pagbili ng mga segundamanong sasakyan ng pamahalaan ng Ilocos Norte gamit ang mil­yun-milyong pisong excise tax funds mula sa sigarilyo.

Sa pagdinig ay tinanong ni House Speaker Pantaleon Alvarez, paano nakalusot ang pagbili ng  may 70 mga sasakyan  na nagkakahalaga ng P66,450,000 gayung walang public bidding, su­balit tugon naman ni COA audit team leader Marilyn Llaguno ay wala silang alam sa transaksyon, subalit nagsasagawa na sila ng inventory sa mga sasakyan.

Ang nasabing anomalya ay nadiskubre umano matapos na magreklamo ang mga barangay officials na nagbigyan ng mga sasakyan na wala silang hawak na registration kaya lagi silang nahuhuli ng LTO  at sila rin ang nag-aabono sa gas nito dahil walang pondo ang barangay para rito bunsod na rin sa pang personal na gamit umano ang nakalagay sa dokumento nito.

Mula sa pag-request, pagbili at pag-apruba sa disbursement voucher ay si Marcos umano ang nakapirma sa mga dokumento dito  at ipinagkatiwala lang sa isang empleyado ang halagang P32 milyon cash para bumili ng sasakyan.

vuukle comment

HOUSE COMMITTEE ON GOOD GOVERNMENT AND ACCOUNTABILITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with