^

Bansa

Mag-file ng SALN!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang lahat ng opisyal at empleyado ng gobyerno na mag-file ng kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa taong 2016.

Ayon kay Ombudsman Morales, kailangang samantalahin na ng mga taga gobyerno ang pagpa-file ng SALN dahil hanggang ?April 30 na lamang ang deadline para rito.

Alinsunod sa umiiral na batas, ang lahat ng public servant sa alinmang ahensiya ng pamahalaan maging sa mga government-owned and controlled corporations at kanilang mga subsidiaries ay kaila­ngang taunang mag-file ng kanilang SALN. 

Ang SALN ay deklarasyon under oath ng lahat ng mga ari-arian ng mga taga gobyerno tulad ng lupain, bahay, cash, mga sasakyan, negosyo at financial interests ng isang  government official, gayundin sa kanyang asawa at mga anak na wala pang asawa na kasama ng opisyal sa kanilang tahanan.

Sa SALN nalalaman kung ang isang tauhan ng gobyerno ay nagkakamal ng yaman gamit ang kanyang puwesto at kapangyarihan.

vuukle comment

CONCHITA CARPIO-MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with