^

PSN Opinyon

Ganito na ba ang kalakaran?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAKAPAGTATAKA ba kung ganito na nga ang nangyayari? Ayon sa National Housing Authority (NHA), nasa mga 50 porsiyento ang nabawas sa koleksiyon nila noong Marso. Nasa P200 ang dapat bayaran ng mga lehitimong bene­pisyaryo ng mga pabahay sa NHA kada buwan, pero dahil wala naman daw binabayaran ang mga Kadamay na binigyan na lang ng bahay, ayaw na rin nilang magbayad. Ang mga bahay na inokupa ng Kadamay ay para sana sa mga lehitimong benepisyaryong sundalo at pulis, bago ibinigay na lang ni President Duterte. Ayon sa NHA, walang libreng pabahay. Dapat may bayaran, kahit maliit na halaga.

Kaya ano ang gagawin ng gobyerno ngayon? Kung ayaw magbayad ng mga Kadamay, hindi kaya lahat ma­ging miyembro na lang ng Kadamay para mabigyan na rin ng bahay na walang kahit anong bayad? Hindi kaya lahat ng proyektong pabahay ng gobyerno ay sasakupin na lang ng Kadamay, at hihintayin na lang ibigay sa kanila? Pilit tinirhan ang mga bahay na may mga may-ari na sana. Ngayong ibinigay na, ayaw naman bayaran ang nararapat sa gobyerno para mabawi naman ang ginastos para sa pagtatayo ng mga bahay. Kaya ba ng gobyerno tablahin na lang ang mga ito? Dahil kung magbibigay ng libre ang gobyerno, sa tingin  ko mahalaga rin ang mga programang pangkalusugan. Maraming mahihirap na may sakit ang nangangailangan ng tulong para mabuhay. Hindi ba dapat tulungan din sila, at hindi lang ang Kadamay?

Bakit hindi rin lubusang ibigay nang libre ang edukasyon? Mas maganda pa nga ito dahil kung makakapagtapos ang mga mag-aaral, makakahanap sila ng trabaho at bukod sa tulong sa kanilang pamilya at sa sarili, matutulungan rin ang bansa. Maraming mga mamamayan ang naghihintay lamang ng pagkakataong makapag-aral. Ang mga maunlad na bansa ay mataas ang inabot na pinag-aralan ng kanilang mga mamamayan. 

Si Sen. JV Ejercito na mismo ang nagsabi na baka bumagsak ang programang socialized housing ng gob­yerno kung ganito na ang magiging kalakaran. Siya ang chairman ng Senate Committee on Urban Planning, Housing­ and Resettlement. Sa madaling salita, hindi kaya ng gobyerno na “mamigay” lang ng bahay. May obligasyon pa rin ang mga benepisyaryo ng pabahay ng gobyerno. Kaya paano na nga ito, kung ang gusto ng Kadamay ay ibigay na lang sa kanila lahat?

 

vuukle comment

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with