^

PSN Opinyon

Ahensiya para sa Benham Rise

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

DUDA ang mga kapwa niya senador sa pakay ni Antonio­ Trillanes sa pag-usisa sa Benham Rise. Tila gagamitin lang niya ang hearings para akusahan­ si President Rodrigo Duterte ng pagpapabaya ng 13-milyong-ektaryang likas-yamang saklaw ng Pilipinas sa Pacific Ocean.

Mas mabuti pang talakayin ng Senado ang matagal nang panukala ni Juan Edgardo Angara para sa Benham Rise Development Authority (BRDA). Kailangan ang ahensiya para sa maraming gawain:

l Pag-aralan at imapa ang mga isda at iba pang pagkain-dagat, ang lalim ng tubig sa iba’t ibang parte, at ang pagbagu-bago ng alat, init, at agos ng tubig;

l Suriin kung meron at anong grado ng langis, gas, at minerals doon, tulad ng manganese na sangkap sa maraming kagamitang hi-tech;

l Pangunahan ang pag-aalaga ng likas-yaman, laban sa pagnanakaw ng dayuhan o paglalaspag ng mga Pilipino;

l Lisensiyahan ang mga indibidwal o grupo na mangingisda, magmimina, at aani ng laman-dagat, at kung saan bahagi sila; at

l Bumuo ng mga patakaran para maipamana ang likas na yaman sa mga darating na henerasyon.

Pamumunuan ang BRDA ng Economic Planning Secretary bilang chairman, at ng Administrator bilang vice chairman. Siyam ang board members: ang Secretaries of Environment and Natural Resources, Energy, Agriculture, Science and Technology, Finance, at Tourism, at tatlong taga-pribadong sektor para sa negosyo, academe, at NGOs.

Direkta ito at popondohan ng Malacañang.

Napaka-halaga ng Benham Rise para sa pagkain, kalakal, seguridad, at kinabukasan ng Pilipinas. Hindi ito maisasapalaran sa panandaliang larong-pulitika ng sinuman.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

BENHAM RISE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with