^

Kutob

Abril 18, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hindi ako mababahala, dahil ang anumang karam­daman ay inako na ating Manlilikha sa bawat hagupit na natamo niya sa krus, napagtagumpayan na Niya ito.

 

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May magandang gan­timpala ang naghihintay sa magandang asal at gawain. Kung nagkalayo man kayo ng minamahal, huwag magdamdam dahil dito masusubok ang katatagan at katapatan ng bawat isa. Huwag mabahala tungkol sa trabaho dahil walang pagbabago ang magandang impresyon nang nakakataas. Lucky numbers at color for the day ay 13, 16, 19, 29 at peach.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Ang mahalagang tungkulin na ipagkakaloob ay magiging daan ng promosyon na dapat gampanan nang buong katapatan at kahusayan. Huwag mag-atubili na magtanong kung hindi maliwanag ang sinasabi o paliwanag upang maiwasan ang magkamali. Suriin at pag-aralang mabuti ang mga bagay bago simulan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 25, 39, 40 at cream.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Ang magbigay ng bahagi nang kinikita ay lalong madaragdagan. Tiyakin na ang tulong na ipagkakaloob ay sa tamang kamay mapupunta. Maging maingat sa mga taong mapagsamantala. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 27, 37 at white.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mapapanatili ang magandang takbo ng career. Mag-ingat dahil may mga kasamahan na gustong makamit ang iyong pwesto. Iwasan na may mapansin o maipintas ang mga kasamahan dahil ito ang magiging hakbang nang paninira. Lucky numbers at color for the day ay 11, 14, 39, 41 at pink.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Mananatiling masagana ang daloy ng pananalapi. Magiging normal ang takbo ng trabaho at mga gawain. Kung may kaun­ting suliranin ang lilitaw, huwag mabahala dahil nasa panig ang katugunan at kalutasan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 14, 25 at green.

LIBRA (Setyembre  24-Oktubre 23) – Upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa at maiwasan ang naka-ambang gulo, huwag patulan ang anumang inaakalang hindi maganda mula sa iba. Hinihingi ng panahon ang iyong pagkamahinahon dahil magiging talo ka kung mapipikon. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 29, 39 at blue.

SCORPIO (Oktubre  24-Nobyembre 22) – Isang kapwa Scorpio ang magbibigay ng tuwa, kagalakan o hinanakit. Pairalin ang pagtitimpi dahil kung may makasagutan, lalala at hahantong sa sabunutan o away na pang matagalan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 11, 19, 30 at white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Panahon upang gamitin ang likas na talino para makamit ang tagumpay. Kung may magandang plano upang umunlad, huwag idaan sa salita lamang dahil sa kilos at sa gawa makikita ang bunga. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 33, 45 at navy blue.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Maisasakatuparan ang matagal mo nang pangako. Kung may maririnig na masasakit na salita, walang ibang sisisihin kundi sarili. Ang kapalpakang nagawa ay aral na dapat simulan baguhin ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 10, 14, 34 at sky blue.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang sariling sikreto ay malamang mabubuking o may sikreto ng iba na iyong malalaman. Huwag mabibigla dahil ang pangyayari ngayon ay matagal mo nang alam na darating o mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 12, 22, 30, 42 at orange.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May kaibigan o kasamahan ang susubok ng iyong kakayahan o pagtitimpi. Huwag mapikon kung may magbibiro o mangungulit. Gampanan ng tama ang bawat gawain upang walang mapunang masama laban sa iyo. Iwasan ang malate sa oras ng pasukan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 26, 39 at light gray.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Huwag maging maramot upang hindi takasan ng magandang kapalaran. Ang anumang tampuhan sa karelasyon ay dapat hanapan agad ng magandang solusyon bago lumala. Upang manatiling laging maganda ang kalusugan, disiplina sa sarili ang kailangan. Huwag magpautang dahil matagal bago ito mababayaran. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 16, 36 at brown.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with