^

Dr. Love

May gusto sa nobyo ng kaibigan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello po, Dr. Love. Isa ako sa ‘di mabilang ninyong tagabasa ng inyong malaganap na pahayagan at siyempre ng kolum ninyo.

Gustung-gusto ko ang inyong mga ginintuang payo. Sinamantala ko na rin ang pagkakataon upang sulatan kayo dahil sa aking problema.

Kung maaari ay ikubli n’yo na lang ako sa tawag na Myrah ng Lucena, Quezon.

May nagustuhan po akong lalaki. Ipinagpi-pray ko na sana ay ligawan niya ako. Alam ito ng kaibigan kong matalik pero nalaman ko na lang na naging boyfriend niya ito. Nag­damdam ako sa kanya. Ni hindi niya binigyan ng konsiderasyon ang damdamin ko at ang pagkakaibigan naming dalawa. Ramdam ko kasi ay sinulot niya sa akin ang crush ko.

Sana po ay mabigyan ninyo ako ng ma­gandang advice. Hindi ko na po pinapansin ang kaibigan ko dahil sa ginawa niya sa akin. Pero masakit din sa loob ko na mawala ang kaibigan kong ito na ngayon ay girlfriend na ng crush ko.

Myrah

Dear Myrah,

Huwag mong isiping sinulot ka niya. Unang­ una, crush mo lang ‘yung lalaki at wala ka­yong relasyon. Nagkataon lang na sa kaibi­gan mo siya umibig at sinagot siya ng ka­ibi­gan mo. Alam ko na kung ikaw ang girlfriend niya, hindi sila magiging mag-on ng boyfriend niya ngayon.

At kung type ka ng crush mo, naghayag na siya na saloobin sa iyo at hindi sa kaibigan mo. Pero maaaring kaibigan lang ang turing niya sa iyo at mas type niya ang ka­ibigan mo na maging girlfriend.

Itabi mo na ang sama ng loob sa kaibigan mo at batiin mo na siya. Maaaring nahihiya rin siya sa iyo dahil sa nangyari.

Pero wala tayong magagawa kung sila ang nagkakagustuhan. Hindi mo puwedeng angkinin ang isang lalaki na hindi mo naman boyfriend.

Maghintay ka sa pagdating ng dream boy mo na gusto mo at may gusto rin sa iyo.

Dr. Love

 

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with