^

Para Malibang

Pangalawang Anino (52)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

KAYBILIS nakalayo ang pangalawang anino kay Nanette.

Pero nahuli pa rin siya ng mga mata ni Nanette

“Inay!” Takbo si Nanette, hinabol ng tingin ang anino.

“Anak, bakit?”

“Inay! Nakita kong lumapit ang anino pero tumakbo! Ang bilis niyang umalis, Inay!”

“Ibig kayang sabihin ay gusto niyang lumapit sa iyo pero hindi niya magawa?”

“Palagay ko ho!”

 “Anak, lagi mong babantayan ang anino, ha? Kasi kailangan nating ma-monitor kung nakakalapit pa ba siya sa iyo o hindi na dahil sa banal na tubig na bigay ni Nanay Maria.”

“Kapag hindi na siya makakalapit, Inay ... ibig sabihin ay kampante na ako, hindi na ako matatakot, lalo na kung hindi ko na makikita.”

“Tama, anak. At makakatutok ka na uli sa buhay mo.”

“Pero, Inay ... paano po kung kayo naman ang guguluhin ng pangalawang anino?”

“Naisip ko na rin ‘yan, Nanette. Pati nga mga kapatid mo ay alam kong nanganganib ding lapitan ng pangalawang anino. At kapag nakita ng mga kapatid mo ang demonyong ito siyempre matatakot sila.”

“Hindi lang iyon, Inay. Baka sila po ay sasaktan ng pangalawang anino. Hindi po ako makakapayag na mangyayari ‘yon sa  mga kapatid ko.”

“May paraan naman, anak. Ang laki ng bote ng banal na tubig na binigay sa atin ni Inay Maria. Pununong-puno ito. At pahid lang naman sa noo, dalawang kamay at talampakan ang pinaggagamitan. Kaya para sa ating lahat, hindi pa tayo kaagad mauubusan ng banal na tubig. Kaya lahat na tayo ay maglalagay ng banal na tubig.”

Natuwa si Nanette. “Tama, Inay! Tama po ‘yang naisip ninyo!”

GALIT na galit naman si Yawan sa kanyang pangalawang anino. “Ano?! Hindi ka na makakalapit kay Nanette?”

“May kakaiba sa kanya ngayon! Baka ikamamatay ko kapag nagtagal ako sa tabi niya, Yawan!”

“Imposible ‘yan! Para mo na ring sinasabi na may kapangyarihan ang gaga kong half-sister! Hindi ko ‘yan matatanggap!”

“Huwag ka nang magalit. Sige, susubukan ko uli mamaya. Pero kapag nakalapit ako, puwede bang patayin ko na si Nanette? Baka may pangontra na siya sa akin, e!” - ITUTULOY

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with