^

Punto Mo

Pabahay at ang Kadamay!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mistulang tagumpay ang mga miyembro ng Kadamay na lumusob at umokopa sa mga unit ng pabahay sa Bulacan makaraang ihayag kahapon ni Pangulong Digong sa harap ng mga tauhan ng Phil. Army na huwag nang paalisin ang mga ito sa mga inukopahang unit.

Ibigay na lamang umano sa mga mahihirap ang mga kinamkam na unit ng pabahay, kasabay ng pangako sa mga sundalo na kabilang sa mga benepisyaryo sa pabahay na ipagpapagawa na lamang sila nang mas malaki at maayos na pabahay.

Eto ngayon ang problema dito, hindi kaya dahil sa bumigay ang Pangulo eh  dumami na ang magsabing kabilang sila sa mga maralita at walang matirhan.

Posibleng maging precedent ito, na kalaunan ay gagayahin ng mga abusado o kawatan na basta-basta na lamang papasok sa hindi nila pag-aaring lugar at kalaunan ay aangkinan na.

Hindi nga ba’t nangyayari na ito sa kasalukuyan, kaya ang pobreng may-ari sa property siya ang nagkaka-problema sa pagpapalayas sa mga ito.

Sana ay magkaroon nang malinaw na polisiya kung paano ito ibibigay sa mga totoong maralita.

Ang masakit kasi dito, baka biglang dumami ang magsabing wala silang bahay.

Tandaan marami ang  mga professional na informal settlers.

Ito yung mga palagiang nag-aaply ng pabahay. Ang siste pinagkakakitaan, ibebenta ang nakuha tapos sa kalye uli titira para muling makasama sa mga relocation. Paulit-ulit na lang.

Kaya dapat ay mabusising mabuti kung talagang bibigyan ang mga ito, baka marami ang nagpapanggap lamang na maralita.

vuukle comment

KADAMAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with