^

Krema

Krema (162)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG malapit na sa pagitan ng kanyang mga hita ang mapangahas na halik ni Lex ay lalo pang nagsisigaw si Krema.

“Lexxxx, huwaaagg. Lexxxxx!’’

Saka lamang tumigil si Lex.

At saka biglang lumutang sa harap niya.

“Bulaga!” Sabi nito at nagkaroon ng alon dahil sa biglang paglutang.

“Loko ka talaga Lex. Papatayin mo ako sa ginagawa mo. Huwag kang pilyo.’’

“Gigil na gigil na kasi ako Krema. Ang tagal din naman bago tayo nagkasa-rilinan na ganito. Noon ko pa pinapangarap ang ganitong scene.’’

“Scene ka pa diyan! Papatayin mo naman ako sa pagsisid mo. Hindi ko alam kung nasaan ka.’’

“Sige hindi na kita sisisirin.’’

“Pasaway ka talaga. Hindi ka makapaghintay. Di ba sabi mo magpapakasal na tayo.’’

“Oo. Kasi nga ay hindi na ako makapagpigil. Sino ba naman ang hindi manggigigil sa ganda ng katawan mo.’’

Umirap si Krema.

“Umahon na nga tayo at giniginaw na ako.’’

“Halika na.’’

Umahon sila. Inalalayan ni Lex sa pagsampa sa pampang.

Nang makasampa, mabilis na tinungo ni Krema ang kinaroroonan ng kanyang damit sa likod ng puno. Mabilis na nagbi­his.

Si Lex naman ay nagbihis na rin.

Naupo si Krema sa ilalim ng puno.

Tumabi sa kanya si Lex.

“Ang tagal kong hinintay ito, Krema. Masayang-masaya ako.’’

“Ako man, Lex. Sana hindi na ito matapos.’’

Hinalikan ni Lex sa labi si Krema.

Gumanti si Krema.

(Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with