^

Punto Mo

Agaw-bahay, lalong lulubha

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

INAASAHAN ang pag­lubha ng problemang agaw-bahay o biglaan at sapilitang pag-ookupa sa mga proyektong pabahay ng gobyerno.

Dahil sa tumiklop ang National Housing Authority (NHA) na puwersahang pagpapalayas sa grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay).

Naunang sinalakay ng grupong Kadamay ang housing project ng NHA sa Pandi, Bulacan na laan para sa mga pulis at sundalo.

Noong una ay nagmatigas ang NHA na sapilitang palalayasin sa pamamagitan ng eviction order ang grupong Kadamay na omukopa sa nasabing pabahay.

Pero sa hindi malamang dahilan ay nagpasya ang NHA na huwag ituloy ang implementasyon ng eviction order at sa halip ay maaring ipagkaloob na lang ang mga housing unit na inagaw ng Kadamay members basta’t kuwalipikado raw sa mga patakaran.

Dahil dito, noong Linggo ay muling umatake ang grupo ng Kadamay at sa pagkakataong ito ay muling kinubkob ang bakanteng lote sa Apollo Street, Tandang Sora, Quezon City.

Dating nakatira ang ilang Kadamay members sa nademolis na loteng ito at ngayon ay binalikan at  kanya-kanya sa pagtatayo ng barung-barong o maliit na bahay.

Katwiran ng Kadamay ay natalo raw sa korte ang naunang umaangkin na may-ari na dalawang pribadong indibidwal kung kaya ito ay pag-aari na muli ng gobyerno.

Lumilitaw ngayon na kapag pag-aari ng gobyerno ay puwedeng agawin o biglaang okupahin ng mga kasapi ng Kadamay dahil hindi naman sila gagamitan ng marahas na hakbang ng gobyerno upang palayasin kahit iligal ito.

Heto na ang epekto ng malambot at pagtiklop ng NHA sa ginawang agaw-bahay ng Kadamay. Magsisilbing banta ito sa mga ari-arian ng gobyerno na nakatiwangwang na maaring okupahan maging ng iba pang grupo sa bansa.

vuukle comment

AGAW-BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with