^

Punto Mo

‘BITAG solicitations daw? I-entrap n’yo na!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MULING nagbibigay-babala ang  BITAG Media Unlimited Incorporated (BMUI).

Baka may kumakatok na sa mga tanggapan ng gobyerno at pribado para ilam­bing ang kanila raw team building o outing. 

Magpapakila­lang konektado sa BMUI o sa Tulfo Brothers para mag-solicit. Magpapadala ng sulat o tatawag sa telepono at magpapakilalang BEN TULFO.   

Patuloy kaming nagbibigay ng all points bulletin sa publiko at sa mga nabanggit na tanggapan, hindi nagso-solicit ang BITAG at BMUI kahit kanino. 

Hindi ko rin estilo ang tumawag sa mga taong hindi kilala ng BMUI. Bilang lang ang tinatawagan na­ming pinagkakatiwalaang kaibigan na nakakausap ng harapan o face to face at eyeball to eyeball.   

Marami nang nakaabot sa amin na hiningan ng pera ng mga nagpapakilalang BEN TULFO at BITAG kuno lalo na kapag ganitong panahon. 

May mga pobreng complainant mula sa iba’t ibang pro­binsiya na pinangakuang aaksyunan agad ang kanilang reklamo­ kung magpapadala raw sila ng pera.

Mayroon ding ilang pulitiko na para sa akin, kaya bigay-agad dahil mayroong mga itinatagong katarantaduhan at baho. 

Isa sa mga pagkakakilanlan ng mga putok sa buhong nagpapanggap na BITAG o BEN TULFO, hindi lumulutang sa kanilang mga hinihingan. Ikinukubli ang kagaguhan sa telepono at mag-uutos na ipa­dala na lang daw ang pera sa mga remittance company. Kapag ganyan na ang binanggit, kuwidaw na kayo! 

Hindi na bago ang modus na ito subalit marami pa rin ang mga nabibiktima. 

Kaya Luzon, Visayas at Min­danao, huwag magpapaniwala sa mga kumakalat na solicitation letter o nanghihingi ng mga donasyon at pera. 

Binibigyan ko na kayo ng basbas. Kapag may kumatok sa inyo o humingi ng anumang donasyon, bitagin nyo na! 

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with