^

Punto Mo

EDITORYAL - Matutuwa ang taumbayan kung masisibak ang mga korap

Pang-masa
EDITORYAL - Matutuwa ang taumbayan kung masisibak ang mga korap

NOONG nakaraang buwan, pinagmalaki ni President Duterte na 92 government employees ang kanyang sinibak. Ayon sa Presidente, karamihan sa mga sinibak niya ay mula sa Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue at Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ayon kay Duterte, sinabihan niya ang mga empleado na mag-resign na lamang bago pa niya hiyain ang mga ito. Hindi na raw niya inihayag ang mga pangalan ng mga sinibak dahil may mga anak ito na nag-aaral sa medical schools. Hinayaan na lamang niya ang mga ito na umalis kaysa naman mabulgar pa ang mga pangalan. Ayon pa sa Presidente, ang sahod daw ng mga empleado na kanyang sinibak ay “tip” o maliit lamang. Mas malaki raw ang kinikita ng mga ito sa ginagawang katiwalian.

Marami pa raw sisibaking mga corrupt ang Presidente at magpapatuloy ito sapagkat ito ang naipangako niya noong nangangampanya pa lamang. Lilinisin niya sa mga corrupt ang pamahalaan. Kamakailan, isang government official na malapit sa kanya at nakasama niya noong pang 1988 ang sinibak niya sa puwesto dahil sa corruption. Hindi pa natatagalan, sinibak niya sa puwesto ang NIA administrator dahil sa corruption.

Matutuwa ang taumbayan kung ang lahat ng mga gumagawa ng katiwalian sa pamahalaan ay sisibakin sa puwesto. Kakaunti pa ang 92 sinibak ni Duterte. Marami pang nagpapayaman sa puwesto at wala silang kabusugan. Mas masahol pa sila sa mga buwaya.

Mas maganda naman kung papangalanan niya ang mga matataas na opisyal ng gobyerno na gumagawa ng katiwalian. Kung ang mga corrupt na PNP officials ay lantaran kung pangalanan, ganito rin ang gawin sa mga kurakot na government officials. Kailangang wakasan na ang kanilang kasibaan. Ilantad ang mga nagpapasasa sa yaman ng bayan.

vuukle comment

EDITORYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with