^

Police Metro

Mass leave sa immigration nakakabahala sa intl. airport

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakabahala ang umano’y bantang mass leave ng mga kawani ng Bureau of Immigration sa mga international airport.

Ito ang pag-amin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kaugnay sa isyu ng mga kawani ng BI na nasa ilalim ng kanyang pamumuno na hindi nababayaran ng overtime pay simula pa noong buwan ng Enero.

Ayon sa kalihim, ngayong nalalapit na ang Semana Santa at  summer vacation ay hindi maaaring walang tatao sa mga immigration counter ng international ports.

Mapanganib aniya,  ito ay apektado ang national security dahil walang sasala at magpoproseso sa mga pumapasok sa bansa.

Bukod sa usaping pangseguridad, makakaapekto rin daw ito sa ekonomiya, partikular na sa turismo dahil hindi malayong madismaya ang mga turista na nais na magtungo sa bansa.

Sa lalong madaling panahon ay dapat nang solusyunan ang isyu upang hindi na umabot pa sa inaasahang pagdagsa ng mga bibiyahe sa bansa.

 

vuukle comment

MASS LEAVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with