^

Police Metro

Honor student patay,2 kalaro kritikal sa sagasa ng trak

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang 11-anyos na binatilyo habang malubhang nasugatan ang 2 niyang kalaro matapos silang masagasaan ng 6-wheeler truck sa Caloocan City.

Kinilala ang nasawing bata na si Connery Villamor, isa umanong Grade 7 honor student sa Tandang Sora Integrated School.

Ginagamot naman sa Phi­lippine Orthopedic Center  ang mga kalaro nitong sina Joseph Dacoba, 11, grade 5 at Diverson Roa, 9, grade 4, pawang residente ng 9th Street, 7th Avenue, Brgy. 103 ng naturang siyudad.

Nasa custody ng Caloocan City Police Traffic  Bureau ang driver ng Isuzu Elf truck (WPM-292) na si Flordilito Dacoro, 46,  ng #221 A Reyes Compound, Valenzuela City na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Sa imbestigasyon, dakong alas-10:30 ng umaga ay nagbibisikleta ang mga biktima at sinubukang unahan umano ang dumadaang truck sa 8th Avenue Extension.

Pero nawalan anya ng kontrol ang mga bata at sumemplang sa bandang gilid ng truck.

Napuruhan sa banggaan ang ulo ni Villamor, dahilan ng agaran niyang pagkamatay. Nagulungan naman ang binti ng 2 niyang kasama.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with