^

Krema

Krema (161)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BIGLANG nawala si Lex. Sumisid na pala ito at papalapit na kay Krema. Si Krema naman ay hindi malaman ang gagawin nang makitang nawala si Lex. Alam niyang sumi­sisid na ito at papalapit na sa kanya. Loko talaga si Lex! Masyadong pasaway! Kapag sinisid siya ni Lex, maaaring masanggi nito ang katawan niya. Hubad na hubad pa naman siya!

Umatras si Krema at hinahagilap ng tingin sa ilalim ng tubig si Lex. Pero hindi niya ito makita kahit malinaw na malinaw ang tubig. Nasaan na ang lokong ‘yun?

Baka naman nasa ga-wing likuran niya si Lex at siya sasanggiin. Tumingin siya sa dakong likuran. Wala naman siyang maaninag sa ilalim. Hanggang dibdib lang ang tubig kaya makikita niya ito kung sisisirin siya.

Nag-abang pa siya. Ma­raming kalokohan si Lex. Pero gusto niya ang kalokohan ng lalaking ito. May excitement siyang nadarama. Bakit gustung-gusto niya ang ginagawa ni Lex. Pakipot-effect lang naman siya pero ang totoo, gusto niya ang mga kinikilos ng lalaking ito. Mahal na mahal kasi naman talaga niya si Lex. Kung magkakahiwalay sila ni Lex ay hindi niya makakaya. Kaya nang sabihin nito sa kanya na magpapakasal na sila ay lalo lamang itong napamahal sa kanya.

Nasa ganoong pagmu-muni-muni si Krema nang may maramdaman siyang humahalik sa kanang paa niya. Paakyat nang paakyat ang halik hanggang umabot sa hita niya.

Nagsisigaw na siya dahil sa naramdaman.

‘‘Aaaaaayyyyy! Hu­wagg Lex! Huwaaaaag!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with