^

Bansa

2 sa ‘Binsol Group’, 3 pa huli sa buy bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  - Dalawang miyembro ng “Binsol Drug Group” ang naaresto  habang 3 pang katao ang natiklo na aktong nagpo-pot session sa isinagawang buy bust operation ng pulisya kamakalawa ng hapon sa Brgy. Poblacion, GMA, ng lalawigan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang  dalawang miyembro ng nasabing drug group at nasa talaan ng Provincial high value target na sina Junario Acosta alyas “Nognog”, 35 anyos, construction worker, ng Block 1, Lot 55, Brgy. Lumbreras, GMA at Noli Go, 43  ng  Block 13, Excess Lot, Brgy. Poblacion 4, GMA. Nadakip din sina Jolina Brigido alias “Boni­ta”, 19, ng Block 28, Lot 23, Brgy Narra I, Silang, Cavite; Rhanie Levardo alyas “Rhanie”, 23, ng  corner House St, Bancal, Carmona, Cavite at Emmanuel Esteba alias “Bong”, 33 anyos, construction worker, ng Block 22A, Brgy F. Reyes, GMA, pawang sa Cavite.

Sa ulat, alas-2:45 ng hapon nang isagawa ng pulis na nagpanggap na buyer ng P400 halaga ng droga sa mga suspek sa kanilang hideout. Pag-abot ng droga ay naispatan ng pulis ang ilang suspek na nagpa-pot session kaya agad siyang sumenyas sa mga kasamahan at isinagawa ang pagdakip sa mga suspek.

Narekober sa lugar ang 15 plastic sachet ng hinihinalang shabu na may 20 gramo, 2 rolled aluminum foil, 2 improvised tooter, 2 disposable lighter, isang improvised torch, 1 pack na unused plastic sachet, 2 gunting, 2 cellphone na ginagamit sa drug trade transaction at marked money.

vuukle comment

BINSOL DRUG GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with