^

Bansa

Konsehal na miyembro ng MILF, tiklo sa droga

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY , Philippines  - Nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ARMM, Army’s 19th Infantry Battalion at Datu Anggal Midtimbang PNP ang isang konsehal ng Datu Anggal Midtimbang,  Maguindanao sa ope­rasyong ikinasa sa Sitio Kitib, Brgy. Mapayag, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao dakong alas-9:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ng PDEA ARMM ang nadakip na si Councilor Daud Rakim Guiama alyas “Daun Namil Guiama,” 56 anyos at sinasabing miyembro rin ng Moro National Liberation Front o MNLF. 

Nakuha mula sa kanyang posisyon ang isang kahon ng alahas na naglalaman ng isang ziplock plastic na mayroong laman na dalawang pirasong hinihinalang shabu na may bigat na sampung gramo at may street value na P10 libo at mga drug paraphernalia. 

Ang pagkakaaresto sa konsehal ay resulta ng sabay-sabay na paghahain ng search warrants na inilabas ni Hon. Judge Bansawan Ibrahim para rin sa mga suspek na sina Zainudin Musa, Bukatol Maliga alyas “Castro” at Katidia Paglas.  

Nabatid na nakatakas si Zainudin Musa matapos matunugan na paparating ang mga otoridad ngunit nasabat mula sa kanyang pamamahay ang dalawang piraso ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na sampung gramo.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit ope­ration ang mga otoridad sa lugar na nagresulta ng palitan ng putok sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng grupo ni Bukatol Maliga alyas “Castro”, na sinasabing isang notorious leader ng isang armadong grupo. 

Habang wala naman sa lugar si Katidia Paglas.

Sa ngayon nakakulong na sa PDEA ARMM jail facility si Councilor Guiama na nahaharap sa RA 9165 habang pa­tuloy pa rin ang pagtugis sa tatlong nakatakas na iba pang target sa naturang anti-narcotics operation.

vuukle comment

PDEA ARMM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with