^

Kutob

Marso 29, 2017

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Maire-release ang loan ko, nagtitiwala akong maa-aprubahan ito. Dahil sapat ang grasya ng Maykapal sa lahat nang nananalig sa Kanya.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Maganda o masamang balita ang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pinansyal o buhay pag-ibig. Huwag hayaan na makaapekto ito sa’yo. Maging matatag sa anumang mang­yayari. Nasa harapan lamang ang solusyon sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 35 at maroon.

TAURUS (Abril 20--Mayo 20) – May mga bagay na pinagdududahan ka sa ibang tao. Upang makasiguro sa gustong malaman, kausapin nang masinsinan upang maliwanagan. Huwag kimkimin kung may hinanakit. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Magpakatotoo. Lucky numbers at color for the day at 9, 16, 24, 39 at peach.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Ang maging mapagbigay at maalalahanin ang mabisang paraan para mapalapit sa lihim na iniibig. Kung may gustong sabihin, magtapat kung bukal sa loob at malinis ang hangarin. Sa ganitong paraan ay malalaman ang kasagutan sa pakay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at brown.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Hindi kailangan na maging magarbo o magastos upang makatiyak na maging maganda ang impresyon ng ibang tao sa iyo. Ang maging natural sa lahat ng bagay ay sapat na para makakuha ng mga kaibigan. Iwasan na magyabang dahil ang balik sa iyo ay kahihiyan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 44 at pink.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Huwag maging magastos kahit may pera dahil darating ang araw na tiyak may pagkakagastusan na hindi maiiwasan. Mabuti nang laging may naitatagong pera na kung sakaling mangailangan ay may madudukot at magagamit. Magtipid at simulan ang pagse-save. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 39, 41 at sky blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Unti-unting makikilala sa larangang kinabibilangan, kung ipagpapatuloy ang kasalukuyang gawi. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman. Bigyan siya ng pasalubong. Sa negsoyo, maganda ang kikitain ngunit magi­ging magastos ka. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.

LIBRA (Set.  24- Oktubre 23) – Huwag agad-agad magdesisyon kung hindi tiyak ang sarili sa magiging resulta. Ang paggawa ng desisyon ay hindi minamadali lalo na kung maseselang bagay ang nakataya. Kung hindi nakakatiyak, kumunsulta sa higit na nakakaalam. Lucky numbers at color for the day ay 10, 26, 33, 40 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maaaring mapilitan kang pumili sa isa sa dalawang bagay na kapwa ‘di mo alam ang magiging resulta. Maaari ang kasintahan ay mag-aya nang pakasal at magdalawang-isip ka. Tiyakin na ang desisyon ay galing sa puso. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 30, 42 at white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Iwasan na maging sakit ng ulo ng kapwa. Huwag hayaang mainis ang nakapaligid sa iyo dahil magiging makulit ka ngayon. Kung ano ang gusto, huwag magpadalus-dalos dahil maaaring ito ang iyong ikasira. Bawat kilos, tiyakin na ang pabor ay nasa panig ngunit hindi makakasakit ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 40 at gray.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Magpakumbaba at huwag hayaang umiral ang kayabangan. Magiging mataas ang iyong pride at kapag walang disiplina sa sarili, mapapasubo at mapapahiya sa karamihan. May sasalungat sa iyo ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Pagbigyan ang sarili na makapaglakbay sa ibang lugar para maiba ang iyong kapalaran. Ang magbakasakali maliban sa sugal ay inaayunan ng panahon. Ang nararam­damang sakit ay mapapawi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at orange.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng pagkamaunawain at pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Ang tiwala ay kakambal ng pag-ibig at pagmamahal kaya dapat alagaan ng todo nang hindi masira. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at red.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with