^

PM Sports

Secret Kingdom horse-to-beat sa Freedom Cup

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Ang kabayong Secret Kingdom na pag-aari ni Lamberto C. Almeda Jr., ang siyang horse-to-beat sa gaganaping Philippine Charity Sweepstakes Office Freedom Cup stake race sa darating na Marso 26, 2017 dito sa Santa Ana Park.

Ang panlaban na ito ni Almeda at kinukundisyon ni horsetrainer Ruben S. Tupas ay kagagaling lang sa isang impresibong panalo sa ginanap na 2017 Philippine Racing Commission Three Year Old Local Fillies & Colts Stakes race nitong nakaraang Linggo sa Metro Turf, Malvar-Tanauan, Batangas.

Sa pamamagitan ng pagpaparemate ay naipanalo ng hineteng si Kelvin B. Abobo ang may tatlong taong alasang nagmula sa lahi ng kabayong Golden Ballet.

Si Abobo rin ang siyang gagabay dito sa Golden Kingdom at magdadala siya ng 54.5 kilos na timbang. Ang nagparemate rin na Metamorphosis na sinakyan ni Fernando M. Raquel Jr., at nailipat kay Mark M. Gonzales ang renda ang ipinalalagay na magbibigay rin ng mahigpit na laban.

Ang iba pang mga kasali para sa distansiyang 1,600 meters pati na ang mga hinete ay ang mga sumusunod: Valkyrie na papatungan ni Rodeo G. Fernandez, Pangalusian Island na sasakyan ni Mark Angelo Alvarez, Mandatum na rerendahan ni Fernando M. Raquel Jr., April’s Song na si J.L. Lazaro ang magdadala at Secret Affair na iniatang kay Jessie B. Guce.

Naglaan ang PCSO ng P1,500,000 papremyo na ang P800,000 ay mapupunta sa kampeon. P350,000 naman ang maiuuwi ng runner-up; P200,000 sa third placer at P150,000 sa fourth placer.

Tatlong kabayo naman ang nominado para makasali sa 3rd leg ng Imported/Local Challenge race sa Abril 2, 2017 sa obalo naman ng Metro Turf Club Incorporated, Malvar-Tanauan, Batangas.

Ang mga ito ay pinangungunahan ng champion horse na Lakan na may 55 kilos na handicap weight, Kanlaon na magbubuhat ng 57 kilos at imported runner Bentley na 51 kilos lang ang dadalhing timbang.

May kabuuang P500,000 ang inilaan ng PHILRACOM na papremyo na ang P300,000 ay maiuuwi ng kampeon; P112,500 sa runner-up at P62,500 sa ikatlong puwesto. Mayroong P15,000 breeder purse ang mananalong kabayo. (JM)

vuukle comment

LAMBERTO C. ALMEDA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with